Kris Bernal Pinangalanan Ang Mga Naging Leading Man Na Kanyang Nagustuhan At Iniyakan

Sa PEP exclusive na ipinalabas noong ika-18 ng Disymebre, ay ibininunyag ng aktres na si Kris Bernal, kung sino sa mga aktor na kanyang naging leading man at nakatrabaho ang kanyang hinangaan at nagustuhan.




Nang tanungin nga ang aktres, sa naging panayam sa kanya, kung naranasan ba niya ang ma-inlove sa mga aktor na kanyang naging leading man.
“Oo, guilty”, ang naging pag-amin nga ni Kris Bernal.

Photo Credit: krisbernal/Instagram

Una nga sa binanggit ni Kris, ay ang 30-taong gulang na aktor, na si Aljor Abrenica, na noon ay naging perennial love team niya.

Photo Credit: ajabrenica/Instagram

“Hindi ko pa naman suot singing ko! Hahaha! Na-in love na ako…
“Nakakahiya, pero past is past naman, di ba? Ikakasal na ko, e.
“Siyempre unahin na natin, pinakauna talaga siyempre si Aljur. Na-in love naman talaga ako dun.

“Matagal na ito. ‘Tsaka wala namang nangyari”, saad nga ng aktres.
Matatandaan na sumikat ang tambalang Kris Bernal at Aljur Abrenica, sa mga ginawa nilang Kapuso drama series, tulad ng Prinsesa ng Buhay Ko (2013), Cofee Prince (2012), Machete (2011), The Last Prince (2010) at All My Life (2009.)

Photo Credit: rafrafrosell/Instagram

Dagdag ba pahayag pa nga ni Kris, ay talagang nain-love siya noon sa aktor, at iniyakan pa niya ito.

Photo Credit: juancarloscuenca/Instagram

Kwento pa ni Kris, unang nagkagusto sa kanya si Aljur, ngunit hindi pa niya it gusto ng mga panahong yon, dahil ang gusto niya talaga noon ay ang nakasama niya sa Starstruck na si Mart Escudero.

“And then, nung naging crush ko naman siya, nung na-fall na ko sa kanya – kasi ilang beses na kaming gumawa ng show – siya naman yung in a relastionship na with Rich Asuncion.

Sa naging pahayag naman noon ni Aljur ay sinabi nito, n para sa kanya, ay blessing in disguise na hindi nagtugma na pareho silang naging single ni Kris Bernal, at hindi naging sila, dahil hanggang ngayon ay nanatili ang mabuting samahan at pagkakaibigan nilang dalawa. At ito naman ay sinang-ayunan ng aktres na si Kris Barnal.

Sumunod naman na binanggit ni Kris, ay ang 38-taong gulang na aktor na si Rafael Rossel, na nakasama at naging leading man niya sa serye noon na Impostora, na umere sa telebisyon noong taong 2017.

“Second si Raf, kasi na-in love ako sa kanya sa Impostora. Mars, gwapong-gwapo ako sa kanya! Stress ako!”, ang natatawa ngang pag-amin ni Kris.

Ngunit kalaunan, ay tila napaisip din si Kris, kung crush o love nga ba ang naramdaman niya para kay Raf. Raf ang tawag ni Kris Bernal, kay Rafael Rosell.

Inamin rin ni Kris Bernal sa panayam sa kanya ng PEP preview, na naging crush din niya ang 32-taong gulang na si Jake Cuenca, na nakatambal niya sa pelikula noong 2019 na “KontrAdisyon.”

Maliban pa nga kay Jake, ay naging crush din umano ni Kris, ang aktor na si Rayver Cruz, at ng mga panahong ito, ay hindi pa umano siya artista.

“Bata pa lang ako, crush ko si Rayver. Nanonood ako sa mga shows niya”, ang napapangiti ngang saad ni Kris.




Nakatrabaho ni Kris Bernal, ang aktor na si Rayver Cruz sa dalawang Kapuso series, at ito ay ang “Asawa Ko, Karibal Ko” at ang “Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko”, na talagang labis niyang ikinatuwa.

Sa kabila naman ng pagkakaroon niya ng pagtingin sa mga nabanggit na aktor, ay nilinaw ni Kris, na hindi siya nagpakita ng anumang motibo kana Aljur, Rafael, Jake at Rayver.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *