Kristine Hammond Na Unang Nakilala Bilang Si Yakult Girl Usap-Usapan Sa Social Media Dahil Sa Kanyang Mga Magagandang Larawan

Matatandaan na marami sa mga naging housemate’s ng Pinoy Big Brother noon, ang kapansin-pansin ang pagiging “artistahin looks”, sa kabila ng pagiging laki ng mga ito sa simpleng buhay.



Isa nga sa mga hindi malilimutang housemate’s ng PBB, na talagang masasabi nating may angking gandang taglay at “artistahin looks” ang dating sa kabila ng lumaki sa hirap ng buhay ay ang dating PBB housemate na si Kristine Hammond.
Photo Credit: tinhammond22/Instagram
Si Kristine Hammond ay isang dalaga na mula sa broken family, ito ay matapos iwanan ng kanyang British na ama ang kanyang ina, noong siya ay bata pa lamang. Simula ng noon, ay ang kanyang ina na ang mag-isang bumuhay sa kanya at nagsumikap upang makapagtapos siya ng kanyang pag-aaral.
Photo Credit: tinhammond22/Instagram
Matatandaan na taong 2017, ng nadiskubre si Kristine Hammond ng mga netizens online. Kung saan ay unang nag-viral ang kanyang larawan habang siya’y nagtitinda ng yakult. Sa larawan ngang ito ay marami ang nakapansin ng taglay na ganda ng dalaga, kaya naman agad itong naging usap-usapan online.
Photo Credit: tinhammond22/Instagram
Matapos nga maging viral, ay napabilang rin si Kristine sa mga napili upang maging housemate’s ng Pinoy Big Brother. Matapos nga ang PBB, ay sumubok naman ang dalaga na pasukin ang beauty pageant.
Photo Credit: tinhammond22/Instagram
Naging kalahok si Kristine Hammond sa beauty pageant na Miss Nation Queen Philippines, kung saan ay ilang mga sashes at special awards ang kanyang naiuwi at napanalunan.
Ilan nga sa mga awards na naiuwi ni Kristine sa nasabing beauty pageant ay.
Photo Credit: tinhammond22/Instagram



“Miss Nation Queen NCR, Best in Gown, Miss Dream Girl of the Nation, Miss Worker Heroes of the Nation, and Best In National Costume.” Nagwagi rin siya bilang 1st runner-up sa nasabing patimpalak.
Photo Credit: tinhammond22/Instagram
Sa ngayon, ay aktibo si Kristine Hammond sa kanyang mga social media account, kung saan ay madalas siyang magbahagi ng kanyang mga naggagandahang mga larawan.
Makikita nga sa social media account ni Kristine, na mas lalo itong gumanda ngayon.
Ano ang masasabi niyo sa taglay na ganda ng dating PBB housemate na si Kristine Hammond?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *