Kristine Hermosa, Buntis Muli At Ito Na Ang Ika-5 Anak Nila Ng Kanyang Asawang Si Oyo Boy Sotto

Masaya at sobrang excited na ibinahagi ng aktres na si Kristine Hermosa sa publiko, na siya ay nagdadalang-taong muli, at ito ay ang magiging ika-5 na nilang anak ng kanyang asawan si Oyo Boy Sotto.




Sa Instagram account ni Kristine, ay inanunsyo niya na isang maganda at maagang biyaya ang natanggap nila ng kanyang asawa, ngayong papalapit na ang araw ng Pasko, at ito nga ay ang kanyang muling pagbubuntis.

Photo Credit: khsotto/Instagram

Makikita sa IG ng aktres, ang naging pag-post niya ng pregnancy test na kanyang ginamit at ang resulta nga nito ay positibo ang kanyang pagbubuntis. Maliban pa sa larawan ng pregnancy test, ay ibinahagi rin ni Kristine ang maikling video clips ng kanyang sonogram.

Photo Credit: khsotto/Instagram

Kalakip nga ng larawan ng pregnancy test at maikling video clips ng sonogram ay ang naging caption ni Kristine Hermosa na; “Another answered prayer. Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon”, unang naging pahayag ni Kristine.

Photo Credit: khsotto/Instagram

“Thank you, Lord, for sustaining us this entire year… pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin. You are faithful God. “Kung wala ka, di namin alam kung saan kami pupulutin. All Glory to you God. Salamat sa pagmamahal mo sa amin”, dagdag na saad pa nga ng asawa ni Oyo Boy Sotto.

Photo Credit: khsotto/Instagram

Sa magkahiwalay na post naman, ay nagbahagi rin si Oyo Boy Sotto, ng kanyang pasasalamat sa Poong Maykapal para sa panibagong biyaya na natanggap nilang mag-asawa, kung saan ay ibinahagi rin ng aktor na walang mapaglagyan ang kanyang kasiyahan ngayon na madaragdagan muli ang kanilang pamilya.

Photo Credit: khsotto/Instagram

“Nag-POSITIVE!!! Positive na mapapahiyaw ka sa tuwa! Grabe ka Lord! Salamat Lord Jesus! Napaka-faithful mo kahit kailan. God is truly amazing. Ibang klase ang mga sorpresa mo. Best Christmas gift ever’, saad nga ni Oyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)

Matatandaan na ang panganay na anak nina Kristine at Oyo na si Ondrea Bliss, ay ipinanganak noong taong 2011, at kasunod nito ay dumating naman sa buhay nilang mag-asawa ang kanilang adopted son na si Kristian Daniel.




Taong 2014 naman ng isinilang ni Kristine si Kaleb Hanns, ang ikalawang biological son nilang mag-asawa, at sinundan naman ito ng kanilang pang-apat ng anak na si Vin, na isinilang naman noong taong 2016.

Sa pagbubuntis ngayon ni Kristine, sa magiging ika-5 nilang anak, ay hiling nilang mag-asawa na sana ay isang babaeng sanggol muli ang ipagkaloob sa kanila. Ito ay dahil sa matagal ng dasal ng kanilang panganay na anak nna si Ondrea, na magkaroon ng kapatid na babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *