Kristine Hermosa May Nakakaiyak Na Mensahe Sa Kanyang Sister-in-Law Na Si Danica Sotto

Hindi rin biro ang makisama sa pamilya ng iyong asawa. Marami na tayong narinig na mga karanasan kung saan hindi maganda ang ugnayan ng pamilya ng lalaki sa kanyang asawang babae at ganoon din sa asawang lalaki sa pamilya ng babae. Lalo pa’t dito sa Pilipinas ay uso ang manirahan ang mga mag-asawa sa ilalim ng bubong ng kanilang mga magulang, hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng hidwaan at inggitan sa pagitan ng asawa at ng pamilya. Kaya naman, masuwerte ka kung mabuti at maayos ang turing sa iyo ng pamilya ng iyong asawa dahil napakabuti ng maayos.




Siyempre, maliban sa mga magulang, kailangan maayos rin ang pagsasamahan niyo ng iyong mga hipag para hindi rin kayo magbangayan. Nakakatuwa makakita ng mga maghipag na maayos at masayang pagsasamahan. Kapag kasi maayos ang pagsasamahan niyo ng iyong hipag ay para ka na ring nakahanap ng panibagong kapatid sa pamamagitan ng pamilya ng iyong asawa.

Bihira lang rin ang magkaroon ng hipag na maituturing mong matalik mong kaibigan. Pero iba ang sitwasyon at estado ng relasyon ng mag hipag na si Kristine Hermosa at Danica Sotto. Parehong mga aktres, ang asawa ni Kristine Hermosa na si Oyo Boy Sotto ay kapatid ni Danica Sotto kung kaya’t si Danica ay hipag ni Kristine.

Higit pa sa maayos ang relasyon ng mag-hipag at patunay dito ang post na ibinahagi ni Kristine Hermosa sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Sa kaniyang post, binati niya si Danica na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan noong araw na iyon. Kakaiba at mukhang taos sa puso ang mensahe ni Kristine para kay Danica.

Ayon kay Kristine, marami na raw ang buhay na nabigyan ng inspirasyon ni Danica. Para kay Kristine, si Nic, tawag ni Kristine kay Danica, ang ehemplo ng isang mabuting kapatid, anak, asawa, ina, at kaibigan. Mahal na mahal raw siya ni Kristine. Tinapos niya ang mensahe sa pamamagitan ng pagbati kay Danica ng “Happy birthday.”

Bilang sagot naman kay Kristine, sinabi ni Danica na masaya raw siyang nakakasama si Kristine. Para kay Danica, sila ang kaniyang pinakamagandang biyaya. Sabik na rin raw ito sa napipinto nilang bakasyon. Sana ganito kasaya at ka-close ang relasyon ng bawat mag-hipag!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *