Kuya Jobert Nagbahagi Ng Testimonya Kung Paanong Binago Ng Diyos Ang Kanyang Buhay

Marami ng mga tao ang nagbahagi ng kani-kanilang mga testimonya sa buhay, kung paano nila mas nakilala ang Diyos, at kung paano binago ng kanilang paniniwala at pananampalataya sa Diyos ang kanilang buhay.




Kabilang na nga sa mga ito, ay ang popular na komedyante sa ating bansa na si Jobert Austria o mas kilala nga ng publiko bilang si Kuya Jobert, na mahilig magpatawa sa telebisyon, na siya ng ang kinagigiliwan ng mga manonood.

Image Credit via YouTube

Sa kabila nga ng magandang takbo ng karera ni Kuya Jobert, ay hindi niya inakala na may mas maganda pa palang plano ang Diyos sa kanyang buhay.Ngunit bago umano niya ito napagtanto, ay mayroon na siyang mga pagsubok na pinagdaanan.

Image Credit via YouTube

Nang ibahagi ni Kuya Jobert ang kanyang testimonya, ay talaga namang agad itong kumalat sa social media, kung saan nga ay ikinamangha ng mga netizens kung paanong binago ng Diyos ang buhay ng komedyante.

Image Credit via YouTube

Ayon nga sa naging testimonya ni Kuya Jobert, noon umano ay talagang nakaranas siya ng matinding hirap sa buhay, kung saan ay naranasan niyang sa jeep lamang natutulog, at ang tanging hinihiling niya na lamang ay ang mayroon siyang makain araw-araw at magkaroon lamang siya ng kanyang sariling tsinelas.

Image Credit via YouTube

At dala nga ng labis na kahirapan na kanyang nararanasan, ay dumating rin siya sa punto na hiniling niya sa Diyos na kunin na lamang nito ang kanyang buhay. Ngunit, hind inga nagtagal, ay nagkaroon ng isang malaking biyaya sa buhay ni Kuya Jobert, at ito nga ay ang pagkakaroon niya ng ‘break’ sa showbiz,

Image Credit via YouTube

kung saan dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa ay nagkaroon siya ng maraming mga shows at gigs. Nagbago nga ang kanyang buhay sa pagkakataon na ito, dahil mula sa hirap at walang maayos na masilungan, ay nagkaroon siya ng marangya at masaganang buhay.

Pero, kung inakala na ni Kuya Jobert na heto na ang pagtatapos ng kwento ng kanyang buhay, ay nagkamali siya, dahil tunay ngang ang pag-aartista ay tila pa-weather weather lang. Sa kabila nga ng pagkakaroon niya ng marangya at masaganang buhay, ay nakalimutan na niya ang Diyos.

Image Credit via YouTube

Nang mga panahon ngang iyon ay tila na kay Kuya Jobert na ang lahat ng mga bagay na hiniling niya, hanggang sa dumating nga sa atin ang kr!sis na kinakaharap natin ngayon.

Dito unti-unting nawala ang pagkakaroon ng show sa telebisyon ni Kuya Jobert, kaya naman nagdesisyon ang komedyante na magtungok na lamang sa bansang Canada, para makasama niya ang kanyang pamilya.

Kuwento nga ni Kuya Jobert, ang naging pagpunta niya sa Canada ang naging ‘turning point’ niya. Pagdating sa Canada, ay muli ngang nagkaroon ng mga shows si Kuya Jobert, kung saan ito naman ang naging daan upang siya’y kumita ng malaki,

at dumating na naman nga siya sa punto na nalulong na naman siya sa pag-inom ng alak. Dahil din dito ay unti-unti silang nagkaroon ng problema sa pagsasama ng kanyang asawa.
Dito na nga umano siya unti-unting iminulat ng Panginoong Diyos sa mga bagay na nagpabago sa kanilang pamumuhay.

Paglalahad ni Kuya Jobert, isang araw ay nakita niya na maagang gumising ang kanyang misis, na kanyang ipinagtaka kaya naman agad niyang sinilip kung ano nga ba ang pinagkakaabalahan nito at bakit napaka aga ng pag gising nito.

Sa pagkakataon nga umanong ito, napag-alaman niya na kaya gumigising ng maaga ang kanyang misis ay dahil mayroon itong dinadaluhan na online bible study. Minsan pa ngang nabanggit sa kanya ng asawa, na siya ang Kristiyano, na dapat siya umano ang nagsasabi sa kanyang misis kung ano ang tama.

“Diba ikaw ‘yung Kristiyano? Diba dapat ikaw nagsasabi sa akin kung ano ang tama”, ang naging saad umano kay Kuya Jobert ng kanyang misis. Isa pa umano sa naging daan ng Panginoon ay ang isa niyang kaibigan na Kristiyano din na ipinagdasal siya, at dito na nga nagsimula ang pagbabago sa kanyang buhay.

Video Credit: Kuya Jobert/YouTube

Hindi nga umano niya napigilan ang mapaluha, ng kanyang mapagtanto ang mga kamalian sa buhay na kanyang nagawa. Unti unti nga ay binago niya ang kanyang sarili, iniwan niya anv mga masasamang bisyo na kanyang ginagawa tulad ng pag-inom ng alak at ganun din ang pagmumura.




Kung noon nga ay madalas na nagmunura si Kuya Jobert sa kanyang mga videos, ngaykn ay hindi na siya naririnig na nagmunura. Ipinabura na rin niya ang mga videoa niya na nagmura siya, ito nga ay dahil sa talagang nais niya ng tuluyan na maging alagad ng Diyos.

Pag-amin nga ni Kuya Jobert, hindi naging madali ang tahakin ang tamang landas patungo sa Diyos, ngunit dahil naniniwala siya na kapiling niya ito sa kanyang buhay ay alam niya na wala siyang dapat ipangamba. Dagdag pa niya, kahit hindinna siya maging sikat pa, dahil ngayon ang tanging kaligayahan niya aybang magbigay serbisyo sa Diyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *