Kuya Wil Nag Enjoy At Namigay Ng Pera Sa Mga Kabataan Sa Kalye

Marami sa atin ang mahilig manood ng telebisyon bilang pampalipas oras. Isa na rin ito sa mga nakagawiang kultura ng mga Pilipino bilang isang “bonding” ng pamilya. Tutok na tutok tayo sa mga programa na nakakapagbigay ng aliw sa atin at nakakapagpasaya sa aking pamilya. bawat isa sa pamilyang Pilipino ay may paboritong palabas depende sa oras ng araw. May mga inaabangan tayong palabas tuwing umaga, tanghali, hapon, at gabi.




Pagkauwi natin galing sa trabaho at pagbukas natin ng telebisyon, malamang ay marami sa atin ang nag-aabang ng programang “Wowowin” ni Willie Revillame. Sikat na sikat ang Wowowin lalo na sa mga matatanda dahil sa magandang palaro at galanteng papremyo ni Kuya Wil. Dahil dito, naging tanyag na ang kanyang mga linya katulad ng “bigyan ng jacket,” at “payb tawsan (five thousand).”

Patunay dito ang mga “Kalye Boys” na maswerteng natyempuhan ni Kuya Wil. Trending kasi ngayon sa Facebook ang isang video na inupload ng isang netizen na nagngangalang Adrian Gret kung saan tampok si Kuya Wil at mga batang kalye na nagkaroon ng “mini Wowowin” sa kalye.

Makikita sa video si Kuya Wil na nakasuot lamang ng pambahay na kasuotan habang tinitingnan ang mga nakakaaliw na mga batang kalye. Ginaya ng mga bata si Kuya Wil at nagmistulang host ng Wowowin. Para mas maging kapanipaniwala, ginaya nila ang segment ng Wowowin na “Hep Hep Hooray” at “Pera o Kahon.”

Ang ibang mga bata naman ay nagmistulang mga co-hosts na sina Hipon Girl at Sugar Mercado. Para rin mapatunayan nilang “avid viewer” sila ng nasabing programa, sinagot nila ang mga katanungan ni Willie kung anong oras ang kanyang show at saang channel ito makikita. Tuwing alas singko ng hapon ito mapapanood at makikita sa channel 7.

Dahil diyan, bumunot na si Willie ng pera sa kanyang bulsa at binigyan ang mga bata. Naghati-hati ang mga ito at sinabing mag-a-audition raw sila sa Wowowin habang pinakita ang kanilang talento na pagkain at pag beat-box. Maraming mga netizens ang natuwa sa video na ito.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *