Kylie Padilla Ibinahagi Ang Mga Litrato Ng Pagbubuntis Niya Sa Kanyang Pangalawang Anak

Muling ibinahagi ng model-actress na si Kylie Padilla sa publiko at kanyang mga tagahanga ang kanyang pagdadalang-tao sa kanilang pangalawang anak ng kanyang asawang si Aljur Abrenica.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram




Si Kylie ay anak ng batikang aktor na si Robin Padilla. Kasalukuyan din siyang aktres sa GMA network kung saan ay marami na siyang pinagbibidahan teleserye at pelikula.
Matatandaan na noong nakaraang taon lamang nagpakasal ang magkasintahan Aljur at Kylie, na kung saan ito ay isang napakagandang kasal na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Sa kanyang social media account ay ipinakita ni Kylie ang mga larawan ng kanyang maternity shoot, na kung saan ay mapapansin na malaki na ang kanyang baby bump at halatang malapit na rin ang kanyang kabuwanan.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Napakaganda ng mga background sa mga larawan ng maternity photoshoot na ito ni Kylie Padilla, dahil sa mga ito ay makikita ang mala engkantada niyang kasuotan na kung saan ay litaw na litaw ang kagandahan ng aktres at talagang napakablooming niya.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Kasama rin niya sa ibang larawan ang kanyang asawa na si Aljur at ang kanyang panganay na anak na si Alas Joaquin. Na kung saan ay gwapong-gwapo ang aktor, at napacute naman ng mga ngiti ni Alas.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Makikita nga sa mga larawan ang ngiti nila na isang masayang pamilya, at excitement sa pagdating ng kanilang bagong anghel. Ayon sa aktres ang nag-asikaso at nagdisenyo ng kanyang maternity shoot ay si Lien Magluyan.

“Sometimes love is hauntingly beautiful.”

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Eto naman ang caption ng mga larawan na ibinahagi ni Kylie sa kanyang social media account. Kung saan ay nakalagay din kung sino-sino ang mga tumulong at nag-asikaso na maging maayos, maganda at perfect ang nasabing maternity photoshoot.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Marami nga sa mga tagahanga at netizens ang pumuri at talagang namangha sa napakagandang maternity shoot ng aktres na si Kylie Padilla, at excited din ang kanyang mga tagahanga sa pagdating ng bagong parte ng pamilya nina Aljur at Kylie.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *