Kung ang pag-uusapan ay patungkol sa kagandahan ng isang kababaihan, marami nga sa atin ang nagsasabi na kapag ang isang babae ay naging isa ng ina o nagkaroon ng kanyang mga anak, ay kumukupas umano ang taglay nitong kagandahan.
Ngunit, marami naman ng mga kababaihan ang nagpatunay na hindi totoo ang ganitong kasabihan, at isa na nga sa mga ito ay ang mahusay at napakagandang celebrity mom na si Kylie Padilla. Sa angking kagandahan kasi ni Kylie, mula pa noon hanggang ngayon na siya ay mayroon ng dalawang anak, ay masasabi ngang wala pa ring kakupas-kupas ang kanyang kagandahang taglay.

Noon pa man ay hinahangaan na si Kylie ng marami dahil sa kanyang angking ganda at napaka-flawless na mukha, maliban pa dito ay talagang kahanga-hanga rin ang kanyang mala-porselana sa kinis na kutis na isa nga sa mga asset niya. Dahil nga sa mga taglay na pisikal na katangian na ito ni Kylie, idagdag pa ang kanyang angking husay sa pagiging isang aktres, ay hindi nga kataka-taka na siya ay sinusubaybayan at hinahangaan ng marami.

Kahit nga ngayon na mayroon ng dalawang anak si Kylie sa dati niyang asawa na si Aljur Abrenica at sa kabila na ginagampanan niya sa kanyang mga anak na sina Alas at Axl ang pagiging isang ‘single mom’ ay kapansin-pansin nga na wala talagang kupas ang ganda ng Kapuso actress.

Ang walang kupas na kagandahan ni Kylie ay mapapansin sa mga pinakabago niyang larawan na ini-upload niya sa kanyang Instagram account nito lamang Huwebes, ika-16 ng Hunyo ng kasalukuyang taon. Sa naturang larawan nga ng aktres ay makikita na siya ay nakasuot ng white gown na may slit, na nagpapalitaw ng kanyang napakakinis na binti, at dito ay talagang mapapansin ang kanyang angking ganda na mas lalo ang lumitaw dahil sa bagay na bagay sa kanya ang suot niyang gown.

“When Alas came with me to work, I turned into angel”, ang naging caption ni Kylie sa larawan niyang ito. Marami naman sa mga netizens at mga tagahanga ni Kylie ang nagbigay komento at papuri sa napakaganda niyang larawan na ito. Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens at fans ng aktres;
“grabeeeee sobra na yang kas3ksihan mo ha!!!! “ “Gorgeous as always, your beauty is so versatile…. The best!!!!” “Beautiful as well madam God bless… be strong moma!!!”
“So pretty, so charming and so sexy…” Tila naman kahit na sino ay hahangaan ang mala-anghel na ganda ni Kylie Padilla, at kitang-kita naman talaga sa Kapuso actress ngayona na sa kabila ng kanyang pagiging isang ina, at single mother ay napaka-blooming niya pa rin.