Kylie Padilla Nanganak Sa Pamamagitan Ng “Water Birth”

Sinasabi ng marami na ang tunay na basehan ng pagiging babae ay ang pagiging ina. Bagama’t may mahalagang parte ang kalalakihan sa pagbuo ng bata, ina pa rin ang magdadala nito sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Hawak niya ang buhay ng isang tao, isang batang sanggol. Mahirap man ang manganak, natatanggal nito ang sakit sa oras na marinig ng isang ina ang unang iyak ng kanyang sanggol.




Katulad na lamang ng aktres na si Kylie Padilla na kumalat ang mga litrato ng kanyang panganganak matapos mailuwal sa mundo ang kanyang panganay na si Alas. Gamit ang natural na pamamaraan, sinubukang gawin ni Kylie ang water birth kung saan sa tubig manganganak ang isang ina. Lahat ng pangyayari ay nakunan ng kanyang road manager na si Ghee Castro, nagbabakasakali ng makahikayat ng mga kababaihan na manganak sa natural na paraan.

Sinabi ni Ghee sa kanyang post, “I am overwhelmed to be sharing one of the most amazing experience of my life by far. I’ve known and seen Kylie as a physically strong person; it was the first time I saw her weak, shaking, in so much pain throughout her four days of labor.”
Pinasalamatan niya rin ang doula ni Kylie na si Irina nagbigay ng pisikal at emosyonal na suporta kay Kylie kahit na kailangan nilang lumipat sa normal delivery sa kalagitnaan ng proseso.

“Kylie and (Aljur’s) birth plan was to deliver Alas through water birth and all natural. She fought hard and did it her best but sometimes things are not in our control, Kylie’s cervix did not dilate fully when they reached 8cm, so she decided to go with normal delivery.”
Natanggal ang lahat ng sakit na dinanas at nararamdaman ni Kylie matapos lumabas ni Alas. Ang lahat ng ito ay napalitan ng kasiyahan.

“It is true, that once the mother has finally seen her child, all the pain goes away, at least for few precious minutes, Kylie even cut her umbilical cord and was able to stand and walk to check on Alas few hours after delivery.” Hindi rin maitago ang ama ni Kylie, at ngayo’y lolo ni Alas na si Robin Padilla ang pagkatuwa nang makita ang kanyang apo.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *