Lalaking Nag-Viral Noon Na Binansagan Bilang “Carrot Man” Ito Na Pala Buhay Niya Ngayon

Natatandaan niyo pa ba ang gwapong lalaki na nag-viral noon, dahil sa kabila ng kanyang matikas na pangangatawan at gwapong mukha ay may dala-dala siyang basket ng carrots.
Matapos nga mag viral ng larawang ito ay binansagan na ang gwapong lalaki bilang si “Carrot Man”.




Kinilala si Carrot Man bilang si Jeyrick Sigmaton sa totoong buhay. Mula nga ng maitampok siya sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa Mountain Province kung saan ay naging agaw pansin sa mga manonood ng programa ang kanyang gwapong hitsura at marami ang napahanga niya.

Photo Credit: carrot_bae/Instagram

Dito na nga nagsimula ang pagkilala at pagsikat niya sa mga social media flat form bilang si Carrot Man. Ang pagviral ni Carrot Man sa social media ay nagdala nagyon kay Jeyrick sa kanyang maayos na pamumuhay.

Photo Credit: carrot_bae/Instagram

Unti-unti ngang nagsimula ang pagbabago sa buhay ng binansagang Carrot Man mula ng siya ay mag-viral, nagkaroon na siya ng iba’t ibang proyekto at TV guesting sa mga programa ng GMA, tulad ng Bubble Gang, Unang Hirit, Sunday Pinasaya, at maging sa sikat na programa ni Kuya Wil na Wowowin.

Photo Credit: carrot_bae/Instagram

Nang magingbisa ngang guest sa programang Wowowin, ay hindi napigilan ni Jeyrick na maging emosyonal dahil halos hindi pa rin siya makapaniwala na matapos ang lahat ng hirap na naranasan niya, ay hindi niya akalain na darating ang araw na magiging maayos ang kanilang pamumuhay.

Photo Credit: carrot_bae/Instagram

Kaya naman, labis-labis ang kanyang pasasalamat sa mga biyayang dumating sa kanya, na nagpabago sa estado ng buhay niya noon.

Photo Credit: carrot_bae/Instagram

Kahit pa nga taglay ni Jeyrick ang gwapong mukha ay lingid sa kaalaman natin na siya ay mahiyaing tao, ngunit matapos niyang makilala ng publiko ay unti-unti na ring nawalanang pagiging mahiyain niya at nagkaroon na siya ng lakas ng loob upang humarap sa publiko at marami niyang mga tagahanga.

Photo Credit: carrot_bae/Instagram

Samantala, unti-unti namang umusbong ang karera ni Carrot Man, naging isa siyang brand ambassador ng isang sikat na clothing line sa bansa, ang Boardwalk. Naging endorser at modelo siya ng Boardwalk na talaga naman ipinamalas ang kanyang kagwapuhan at magandang pangangatawan.

Photo Credit: carrot_bae/Instagram

At ngayon nga, ang binansagang Carrot Man ay kasalukuyang naninirahan na sa Baguio City. Hindi naman matatawaran ang kaligayahang nararamdaman ni Jeyrick dahil nagagawa na niyang suportahan ang mga pangangailangan ng kanyang mga kapatid lalong-lalo na sa pag-aaral ng mga ito.

Samantala, nais naman niyang ipagpatuloy ang nasimulang karera sa industriya ng showbiz. Maliban rito, may balak rin siyang pasukin ang larangan ng boksing at maging isang mahusay na boksingero kagaya ni Manny Pacquiao.

Ibinahagi rin niya ang kanyang pagnanais na bumalik sa pag-aaral upang makakuha siya ng diploma sa high school. Nais rin niyang makapaglikha ng kanta ng Igorot balang-araw na sumisimbolo sa kanyang lahing pinagmulan.

Lingid sa kaalaman ng marami, isa na rin si Jeyrick o Carrotman ngayon sa mga miyembro male group na “FAB4Z”, kung saan kasama niya rito sina Jeffer Kim, Patrick Villanueva at Yuan Quiblat.




Kung dati naman, ay tanging kabundukan ang natatanaw ni Jeyrick, ngayon nga ay nasilayan na rin niya ang magagandang tanawin sa mga bansa sa Asia kung saan napuntahan na niya ang mga bansa gaya ng Singapore, Thailand, Korea at United Kingdom.

Talaga nga namang malayo na ang narating na tagumpay ni Carrot Man sa kanyang buhay. Dahil nga sa kanyang pagsusumikap na maabot ang kanyang pangarap, hindi siya sumuko bagkus ay nagpatuloy at nagtiwala na balang-araw ang tagumpay na hinahangad ay makakamit niya rin. At hindi nga siya nabigo dahil ito’y tinatamasa na niya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *