Lalaking Namili Sa Ukay Maswerteng Nakakita Ng Wallet Na Puno Ng Salapi

Sa panahon ngayon maraming mga tao na ang nagiging praktikal, lalo na pagdating sa pagbili ng mga damit, bag o sapatos. Imbis na sa mall bumili ng bago at mamahaling mga kagamitan, marami na ngayon ang mas naghihikayat na bumili sa mga ukay-ukay store dahil dito ay makakapiling ka na ng magagandang damit sa murang halaga.

Image Credit via Google




Ngunit may isang pangyayari sa isang taong nag-uukay ang talagang hindi niya akalain na nagpapabago sa buhay niya.

Image Credit via Google

Isang lalaki ang mahilig din bumili sa mga ukayan, at may isang pagkakataon na siya ay nag-ukay sa isang malaking ukayan sa isang lugar ay hindi niya inaasahan ang swerteng dumating sa kanya sapagkat sa isang damit na kanyang inukay ay may nakita siyang wallet na may lamang salapi na napakalaki ang halaga.

Image Credit via Google

Sinasabing ang lalaking ito ay isa ring simpleng negosyante na may tindahan rin ng mga damit kaya naman bultuhan siya kung mamili sa ukay-ukay. Kinilala ang nasabing lalaki na si Wan Mohamad sa Malaysia na may-ari rin ng tindahan ng mga damit.

Ayon sa kanya ay hindi niya inaasahan ang swerteng tumambad sa kanya habang siya ay namimili sa ukayan. Ikinabigla niya ng makita na sa bundle ng mga ukay na damit na kanyang pinamili sa halagang $24 o Php 1 ,200 ay may makikita siya sa loob nito na isang pitaka na may lamang limpak na salapi na nagkakahalaga naman ng 450,000-yen o RM 16,800 na ang katumbas sa Philippine money ay Php 207,500.

Ang wallet na ito na nagkakalaman ng limpak na salapi ay natagpuan niya sa bulsa ng isang damit na kanyang tinitignan upang bilhin. Ayon pa sa kanya, naisin daw man niyang hanapin ang may-ari nito upang isauli ang wallet at pera ay tila imposible naman ito dahil walang kahit na anong impormasyon na nakalagay rito.

At dahil hindi na rin niya alam kung saan isasauli ang perang kanyang nakita, naisip na lamang ni Wan Mohamad na gamitin ang pera para mapalago pa ang kanyang munting negosyo.




Marami naman ang talagang namangha sa swerteng nakamit ni Adam sa pamimili lamang niya sa ukay, ngunit may ilan din naman na nagsabi na dapat niyang hanapin ang may-ari nito upang maibalik niya ang pera.

Talaga namang ang swerte sa buhay ng isang tao ay sadya na lamang dumarating sa hindi mo inaasahang pagkakataon at pangyayari, tulad na lamang ng swerteng nangyari kay Mohamad na sa hindi pa niya inaasahang lugar pala siya seswertehin na makakita ng pera makakatulong sa pagpapaunlad ng kanyang negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *