Lara Quigaman Ikinagulat Ang Muli Niyang Pagbubuntis Sa Kanilang Ika-3rd Baby Ng Asawang Si Marco Alcaraz

Tunay nga naman na na ang buhay ng isang tao ay puno ng sorpresa, may mga bagay tayo sa ating mga buhay na bigla-bigla na lamang dumarating na hindi natin inaasahan na ang ilan sa mga ito ay nagbibigay kasiyahan at minsan naman ay kalungkutan sa atin.




Ngunit paano kung ang sorpresa ng dumating sayo, ay isang blessings na talagang hindi mo inaasahan. Ano nga ba ang iyong nararamdaman.

Photo Credit: laraquigaman/Instagram

Isa sa mga nakatanggap ng hindi inaasahang blessings ngayong taon, ay ang Miss International 2005 na si Lara Quigaman. Ikinagulat at ikinasurpresa nga ng nabanggit na beauty queen ng malaman niya na siya’y nagdadalang tao muli, at ito ay nasa ika-18 linggo na.

Photo Credit: laraquigaman/Instagram

Sa kanyang naging pagkasurpresa sa nalaman niyang pagbubuntis niya, ay naisipan nga rin ni Larah na sorpresahin ang lahat , lalo na ang kanyang mga tagahanga.

Photo Credit: laraquigaman/Instagram

“Sana po nasurprise ko kayo, kasi ako po na-surprise talaga ako ng bongang-bonga,” pahayag nga ni Larah ng una nitong ipaalam sa publiko at kanyang pamilya ang pagbubuntis niya ngayon.

Photo Credit: laraquigaman/Instagram

Nagyon nga na ang ilang lugar sa ating bansa ay nasa kalagitnaan ng community quarantine dahil sa banta ng Covid-19 virus, ay hindi nga naman madali ang pagbubuntis dahil sa hindi basta-basta makakapag pacheck-up ngayon at mahirap rin ang bumili ng mga pangangailangan ngayon para sa isang buntis.

Photo Credit: laraquigaman/Instagram

BIlang isang asawa at magiging ama na muli, ay humingi ng panalangin ang aktor na si Marco Alcaraz para sa kaligtasan at kalusugan ni lara at ng kanilang baby na ipinagbubuntis nito.

“Humihingi rin kami ng prayers sa inyo , si Lara kasi hindi pa siya nakapunta sa hospital lately dahil sa mga nangyayari,” saad nga ni Marco.

Samantala, ayon kay Larah ay ibabahahagi niya sa publiko ang kanyang pregnancy journey upang mabigyan din ng kaalaman ang ibang mga momshie na nagbubuntis ngayon kung ano ang mga dapat gawin upang maging healthy preggy mommy.

“Marami tayong matutulungan na ibang mommies, ‘yung mga buntis ngayon na kinakabahan” Para nga sa mag-asawang Marco at Larah, may pinagdadaanan man tayong krisis ngayon ay dapat pa rin nating ipagpasalamat ang mga biyayang natatanggap natin sa ating buhay.

Tulad na lamang ng bagong anghel na ipinagkaloob sa kanila, kung saan ay magkakaroon na ng panibagong kapatid ang kanyang dalawang anak na si Noah at Tobin.




Hindi nga lamang ang mag-asawang Marco at Lara hang pinagkalooban ng biyaya ngayong mayroong quarantine, dahil ilan din sa mga celebrity couple ngayon ang nakatanggap rin ng parehong blessing tulad na lamang nila Dianne Medina at Rodjun Cruz, Rida Reyes at Cedric Castillo, Isabel Oli at John Prats, at mag-asawang Gian at Joy Sotto.

Hanggang ngayon nga ay marami pa rin ang nagpapa-abot ng congratulatory message kana Marco at Larah, dahil sa pagkakaroon nila ng panibagong anghel na nadagdag sa kanilang masayang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *