Larawan Ng Magpipinsan “Cruz” Na Sina Donna, Geneva At Sunshine, Usap-Usapan Ngayon Kung Bakit Wala Sa Larawan Ang Pinsan Nilang Si Sheryl Cruz

Isang larawan ngayon ng magpipinsan Geneva, Donna at Sunshine Cruz ang pinag-uusapan ng mga netizens ngayon, at nagtatanong kung bakit hindi kasama ng magpipinsan sa larawan nilang ito ang isa pa nilang pinsang actress, na si Sheryl Cruz.




Kaya naman ilan sa mga netizens, ang nagtanong kung in good terms ba sina Donna, Geneva at Sunshine sa pinsan nilang si Sheryl? Nasaan si Sheryl? Bakit hindi ito kasama ng tatlo, ng kunan ang larawan nila?

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

May ilan nga na nagsasabi na marahil ay hindi in good terms ang magpipinsan, dahil sa nangyari noon sa pamilya ng mga ito.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

Taong 90’s ng nakilala at sumikat sa industriya ng showbiz sina Sunshine Cruz (42), Geneva Cruz (44) at Donna Cruz (43), bilang mga magagaling na singer at aktres, samantalang ang pinsan nilang si Sheryl Cruz ay mas naunang nagsimula sa kanila sa industriya dahil naging child star na ito noong 70’s.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

Nitong nakaraan nga lamang, Mayo 28 nitong taon, ay nagbahagi si Sunshine ng larawan sa kanyang Instagram kung saan ay kasama niya sa larawang ito ang kanyang dalawang pinsan na sina Geneva at Donna. At kahit nga si Geneva at Donna, ay ibihagi rin ang larawang ito sa kani-kanilang mga social media account.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

Sa larawan ngang ito, ay maraming mga netizens ang napansin na wala si Sheryl Cruz, kaya naman ilan sa mga netizens ang nagsabi na marahil ay hindi malapit ang mga ito, kaya naman hindi rin nagawang mga komento ni Sheryl sa larawan na ibinahagi ng tatlong magpipinsan.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens sa larawan nina Geneva, Donna at Sunshine: “Sheryl please…” “Invite Sheryl, also.” “I like this trio ladies” “How about Sheryl”
Upang bigyan ng linaw ang mga katanungan ng mga netizens, ay sinagot naman ito ng magpipinsan.

kung saan ayon kay Donna Cruz, nagpunta siya sa Manila kasama ang kanyang asawa na si Yong Larrazabal para sa isang convention kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon na makabisita sa kanyang mga pinsan.

“Itong picture naming na kami nina Shine at Gen naman, nagmi reunion kami na timing may convention/trabaho si Yong.” “So, nag bisita ako sa mga pinsan ko at free sina Shine at Gen nun at iba pa naming na mga cousin, na na kasabayan naming lumaki.”

Ipinaliwanag din ni Donna, na kaya wala sa nasabing larawan ang pinsan nilang si Sheryl Cruz ay dahil sa busy ito. “Dami work din ni ate She, nung time nay an kaya mahirap na mag request din.” “So happy na lang nandyan sina Shine at Gen nun.”

Sinagot din ng singer ang katanungan ng mga netizens na kung nasa good terms ba sila kay Sheryl. “Ok sila, may chat group kami mag-cousins, and hintay na lang ng reply ni ate She para makaplan na ng song.”

Nitong nakaraan nga lamang, ay nagbahagi sa kanilang social media sina Geneva at Sunshine ng kanilang duet song. Nagbigay rin ng komento si Sunshine, tungkol sa sinasabi ng mga netizens na may issue sila kay Sheryl.

“I also answered you po sa account ko.” “We are all ok. Cruzes may not see each other often but we do respect each other.” “We are in talk with ate Sheryl for other collaboration.” Maging si Geneva ay nagbigay na rin ng kanyang komento.

“Guys, we already talked to ate Sheryl, next nay un… I mentioned sa photos. Thanks! komento ni Geneva Cruz. Matatandaan nga na noong October 3, 2001 ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magpipinsan, ito ay ng pumanaw ang ama ni Sheryl na si Ricky Belmonte.




Sa ngayon ay parehong aktibo ang magpinsang Sheryl at Sunshine Cruz, sa kanilang pagiging aktres sa industriya ng Showbiz.

Si Geneva Cruz naman ay nakabase na sa US, at paminsan minsan ay nagkakaroon ng mga gigs sa mga events doon, ngunit ngayon ay narito sa ating bansa si Geneva dahil sa pagkakaroon ng Pandemic. Si Donna Cruz naman ay masayang naninirahan sa Cebu, kasama ang kanyang asawa at mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *