Larawan Ni Kuya Kim Atienza Noong Kanyang Kabataan Na Kuha Pa Ng Taong 1980s Naging Agaw-Pansin Sa Netizens

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Kim Atienza o mas kilala sa tawag sa kanya ng publiko na si “Kuya Kim”.

Photo Credit: kuyakim_atienza/Instagram

Matatandaan na siya ay isa sa mga naging orihinal na host ng noontime show na “It’s Showtime” at kilala rin bilang isang tagapaghayag o taga-anunsyo ng mga makatotohanang kaganapan sa ating bansa.




Isa pa sa mga hinahangaan at kinabibiliban rin ng marami kay Kuya Kim ay ang pagbabahagi niya ng kanyang mga kaalaman pagdating sa siyensa, na talaga namang nakapagbibigay impormasyon at dagdag kaalaman sa mga manonood.

Photo Credit: kuyakim_atienza/Instagram

Maliban pa rito, ay isa rin siyang butihing ama ng kanyang tatlong anak na sina Jose, Ellana at Emman.

Photo Credit: kuyakim_atienza/Instagram

Ngunit alam niyo ba, na maliban sa kanyang angking husay at talino na hinangaan natin sa kanya, ay may itinatago ring kagwapuhan at magandang pangangatawan si Kuya Kim Atienza, lalo na noong panahon ng kanyang kabataan.

Photo Credit: kuyakim_atienza/Instagram

Sa kanyang Instagram, ay nagbahagi si Kuya Kim kamakailan lamang ng kanyang larawan, kung saan ay batang bata pa siya ng mga panahong ito, dahil kuha umano ito noon pang taong 1987, habang siya ay nasa bansang New York.

Photo Credit: kuyakim_atienza/Instagram

Makikita pa nga sa nasabing larawan, ang malaking pagkakahawig sa kanya ng kanyang panganay na anak na si Jose Atienza.

Photo Credit: kuyakim_atienza/Instagram

Narito nga ang naging caption ni Kuya Kim, kalakip ang kanyang larawan;
“1987, NYC. I was Jose’s age. @jhatienza undeniable where you got your looks from.”
Sa naging pagbabahagi na ito ni kuya Kim ng kanyang larawan, ay naging agaw-pansin naman ito sa mga mata ng netizens,

Photo Credit: kuyakim_atienza/Instagram

lalo na ng kanyang mga tagahanga. At ang iba pa nga sa mga ito ay nagbigay komento, at pinuri ang angking kagwapuhan ni Kuya Kim. “Wow gwapo ni kuya Kim <3” “Awwww di maikakaila kuya Kim ” “Pogi mo po kuya @kuyakim_atienza bagets.”

Photo Credit: kuyakim_atienza/Instagram

“Wow kuya kim! I so love love love the hair and your smile!!! ”
“Wow! Kuya Kim I like your picture. Walang nagbago, mula noon hanggang ngayon di po kayo tumanda! Galing baby face pa rin kayo kuya Kim.




Samantala, hindi na maikakaila sa larawan ni Kuya Kim noong kanyang kabataan ang pagkakahawig ng kanyang panganay na anak sa kanya na si Jose Atienza, kung saan, sa ngayon ay malayo ito sa kanila at hindi nila nakakasama dahil sa ito’y nag-aaral ng kolehiyo sa Tufts University sa Boston, Massachusetts.

Photo Credit: kuyakim_atienza/Instagram

Para naman sa anak na si Jose, ay lagging hangad ni Kuya Kim, ang kaligatasan at kabutihan nito lalo na ngayong malayo ito sa kanilang mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *