“Like Father Like Son” Kilalanin Ang Mga Gwapong Celebrity Dad At Ang Kanilang Mga Gwapong Anak

Ang pagiging isang ama ay isang blessings para sa lahat ng mga amang nabibiyayaan na magkaroon ng anak, dahil hindi lahat ng lalaki ay pinagkalooban ng kakayahan na maging isang ama.




Hindi rin madali ang responsibilidad ng isang ama sa kanyang pamilya, lalo at higit sa kanyang mga anak. Ang pagkakaroon ng oras, pagbibigay ng suporta at pagpaparamdam ng pagmamahal ang ilan sa responsibilidad na dapat ibigay ng isang ama sa kanyang mga anak.

At ilan nga sa mga kilalang celebrity dad ay labis-labis ang binibigay na pagmamahal sa kanilang mga anak. Kaya’t kilalanin natin ang mga celebrity daddy na ang kanilang mga gwapong anak.

Dingdong Dantes at Baby Ziggy

Image Credit Via Google

Hindi nga naman maitatanggi ang pinaka cute na si baby Ziggy, ang pangalawang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Marami ang nagsasabi na kamukha ito ng kanyang ina, ngunit ang charm nito ay nakuha naman niya sa kanyang ama.

Jomari Yllana at Andre Yllana

Image Credit Via Google

Si Andre Yllana ay anak ni Jomari Yllana sa kanyang dating partner na si Aiko Melendez isa sa mga aktres na ngayon ay nasa GMA network. Kamukhang-kamukha naman ni Andrei ang kanyang inang si Aiko.

Vic and Oyo Sotto

Image Credit Via Google

Hindi naman maitatanggi ang pagkakahawig ng mag-amang Oyo at Vic Sotto, ngayon nga ay may sariling pamilya si Oyo kasama ang kanyang asawa na si Kristine Hermosa.

Cesar Montano at Diego Loyzaga

Image Credit Via Google

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na ang mag-amang ito ay talagang magkahawig na magkahawig.

Piolo and Iṅigo Pascual

Image Credit Via Google

Maliban sa minanang kagwapuhan sa kanyang ama, ay nakuha rin ni Iṅigo ang galing sa pag-awit ng kanyang amang si Piolo.

Aga and Andres Muhlach

Image Credit Via Google

Ang kambal na anak ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales ay lagi namang pinupuri ng mga netizens dahil pareho na may angking kakisigan at kagandahan ang mga ito.

Rommel at Daniel Padilla

Image Credit Via Google

Hindi nga naman maitago ni Rommel Padilla ang kanyang pagiging proud sa kanyang anak na si Daniel, dahil sa mga tagumpay na nararating nito sa buhay nito ngayon at isa na dito ang isa sa mga pinakasikat na artista sa henerasyon ngayon.

Zoren at Mavy Legaspi

Image Credit Via Google

Karaniwang nakikita ang kambal na anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel sa kanilang advertisement, na kung saan ay nakikita ng mga netizens ang kagwapuhan ng anak niyang lalaki at ang ganda naman ng kambal nito.

Boom at Tony Labrusca

Image Credit Via Google

Isa nga naman si Tony Labrusca sa mga kilala at tanyag na aktor ngayon, katulad din ng kanyang ama noong katanyagan nito sa industriya.

Benjie at Kobe Paras

Image Credit Via Google

Hindi naman maitatanggi na minana ni Kobe Paras ang kanyang galing at talent sa pagbabasketball sa kanyang amang basketbolista na si Benjie Paras.

Drew Arellano at Primo

Image Credit Via Google

Ang mag-asawang Drew Moreno at Iya Villania ay biniyayaan na ng dalawang supling. Ang kanyang panganay na anak na si Primo ay hinahangaan na rin ng mga netizens dahil sa angkin nitong charm katulad ng kanyang mga magulang.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *