Little Miss Philippines Noon Na Si Dindin Llarena Isa Ng Napakagandang Dilag Ngayon

Isa ang segment na Miss Philippines ng Eat Bulaga ang halos ilang taon na naman ilan ring namamayagpag sa nasabing noontime show. Ilang mga kabataan na rin ang natulungan nito at nabigyan ng oportunidad na magkaroon ng career bilang mga child star sa showbiz industry.




Ilan nga sa mga naging kalahok at itinanghal na Little Miss Philippines sa Eat Bulaga ang naging successful ang career sa showbiz at maging hanggang ngayon ay nanatili ang kinang sa industriya.

Image Credit via Google

Ngunit may ilan din naman na mas pinili ang simple at pribadong pamumuhay kaysa sa kasikatan na hatid ng tagumpay, tulad na lamang ng ni Shanadine Llarena o mas kilala bilang si Dindin Llarena.

Image Credit via Google

Matatandaan na isa si Dindin Llarena sa mga batang lumahok sa Little Miss Philippines noong 90’s, kung saan ang 7-taong gulang pa lamang noon na si Dindin ng Olongapo City ay nirepresenta sa patimpalak ang National Capital Region (NCR) sa finale ng competition.

Image Credit via Google

Dahil nga sa ipinakita niya sa kanyang murang edad ang kanyang galing at talent bilang isang bata, ay nakuha niya ang loob ng maraming mga manonood kaya naman hindi kataka-taka na siya ang nagwagi sa patimpalak.

Image Credit via Google

Hindi nga lang kabibohan at cuteness ang mayroon si Dindi, dahil ang kanyang magandang tinig sa pag-awit ang nagpapatunay na isa siya sa mga promising child star ng kanyang henerasyon. At isa nga sa mga hindi malilimutang performance nito noon, ay ng maka-duet niya sa isang awitin ang international singer na si David Pomeranz.

Image Credit via Google

May ilang mga pelikula din na kabilang si Dindin, kung saan ay dito naman niya ipinakita ang galing niya sa pag-arte. ilan nga sa mga pelikulang ito ay ang “Sanib” (2003), Magnifico (2003) at Singsing ni Lola (2002).

Image Credit via Google

Ngunit sa kabila ng nagsisimula niyang karera sa showbiz, ay mas pinili pa rin ng batang singer-actress noon na iwanan ang karera nito sa showbiz, dahil mas nais niya bigyan ng pansin ang kanyang pag-aaral.

Matagumpay ngang natapos ni Dindi ang kanyang pag-aaral matapos ang limang taon. Siya ay nagtapos sa Comteq Computer and Business College (CCBC) sa Olongapo City, sa kursong Bachelor of Science in Business Administration.

Matapos na naman ang ilang taon na hindi paglitaw sa telebisyon, ay muling nagbalik Eat Bulaga si Dindi noong 2014 ng siya ay maging isa sa mga hurado ng Little Miss Philippines 2014. Nagkaroon rin siya muli ng pagkakataon na makapag-perform sa entablado, kasama ang dating EB member na si Julia Clarete.

Sa ngayon ay nagtatrabaho umano si Dindi sa PTT Philippines Foundation Inc, a non-profit organization bilang isang Corporate Service Responsibility Associate, ayon sa isang source.




Makikita nga sa mga larawan ngayon ni Dindi na ang cute and charming Little Miss Philippines ay isa ng napakagandang dilag na mas pinili ang maging masaya sa kanyang tahimik at pribadong pamumuhay malayo sa spotlight.

Marami pa rin ang mga netizens ang nagnanais na sana ay maisipan bumalik ni Dindi sa showbiz, ngunit talaga nga sigurong may mga taong sadyang itinadhana para sa buhay showbiz, at hindi ito ang buhay na itinadhana para sa dalaga dahil may mas maganda pang career ang nag-aantay sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *