Liza Soberano May Pangakong Panghabang Buhay Sa Kasintahang Si Enrique Gil

Muli na namang kinilig ang mga tagahanga ng tambalang ‘LizQuen’ nina Liza Soberano at Enrique Gil, matapos ibandera ng Kapamilya actress sa buong universe ang kanyang pagmamahal sa nobyong aktor. Ibinahagi rin nito ang kanyang pangako kay Enrique, na ang kanila ng ang relasyon ay ‘forever’ na.




Ang nasabing tagos sa pusong mensahe ni Liza para sa nobyong aktor, ay ibinahagi nito noong araw ng Martes, ika-30 ng Marso, kung saan ay ipinagdiriwang ni Enrique ang kanyang ika-29 taong kaarawan.

Photo Credit: enriquegil17/Instagram

Isa nga ang kapamilya actress, sa mga unang nagpakita ng kanyang pagbati para sa kaarawan ng nobyong aktor. Kung saan ay isa ngang tagos sa pusong mensahe para sa minamahal niyang si Enrique ang kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram, at kalakip pa nito ay ang larawan ng aktor.

Photo Credit: enriquegil17/Instagram

“Happy birthday to the loMl (love of my life). I can’t wait to make so many more great memories with you. “To more adventures and growing old together. I love you so much!”, ang naging mensahe nga ng aktres para sa aktor, na tila nga nagpapahiwatig na talagang nakikita na niya ang kanyang sarili na ito ang makakasama niya hanggang sa kanyang pagtanda.

Photo Credit: enriquegil17/Instagram

Maliban nga sa naging pagbati na ito ni Liza sa aktor, ay may hiwalay pa itong mensahe sa kanyang IG para sa kasintahan, kung saan naman ay nakalakip ang isang video na nagpapakita ng ilang eksena sa mga naging travel nilang magkasama ni Enrique, sa iba’t ibang mga bansa at magagandang lugar.

Photo Credit: enriquegil17/Instagram

Ang mensahe nga ng aktres na nakasaad dito, ay ang pagnanais niya na makasama pa ng matagal na panahon ang kasintahang aktor, upang mapuntahan pa nga nilang magkasama ang mga lugar na pangarap nilang marating.

Photo Credit: enriquegil17/Instagram

Isinaad din ni Liza, na kung hindi nga lamang krisis, ay marahil nasa travel sila ni Enrique sa kaarawan nito, dahil ito talaga ang madalas nilang ginagawa. Ngunit ngayon nga, ay ikalawang taon na ito na nagdiwang ang aktor, na hindi nakapag-travel, dahil nga sa patuloy pa rin na paglaganap ng krisis sa ating bansa.

Tila nga naman ‘kasal’ na lang talaga ang kulang sa magkasintahang Liza at Enrique, lalo pa’t ilang taon na nga rin silang magkarelasyon. Palagi ring sinasabi ng Kapamilya couple na, sa isa’t isa nila natagpuan ang kanilang ‘forever’, kaya naman ang hinihintay na nga lang sa kanila ng kanilang mga tagahanga, ay ang tamang panahon na lalagay na sila sa pagbuo ng kanilang sariling pamilya.

Ang Kapamilya couple na nga kaya na Liza at Enrique, ang isa sa mga mag-aanunsyo ng ‘engagement’ ngayong taon? Ito nga ang pinaka-aabangan ng marami nilang mga tagahanga.




Matatandaan na taong 2019 ng aminin ng aktres na si Liza Soberano, na taong 2014 pa sila nagdi-date ng aktor na si Enrique Gil, at ito nga ay ang mga panahon na todo ang pag-ariba ng kanilang tambalan sa showbiz, dahil sa kanilang hit series na ‘Forevermore’, na kinakiligan ng napakaraming mga manonood.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *