LJ Moreno May Malungkot Na Balita Sa Kanilang Ika-4 Na Anak Ng Asawang Si Jimmy Alapag

Malungkot na ibinahagi ng mag-asawang Jimmy Alapag at LJ Moreno sa kanilang vlog, na nag anim na linggo ng sanggol na pinagbubuntis ni LJ ay nawala na. Ang sanggol na ito dapat, ang magiging ika-4 na anak nilang mag-asawa.



Sa kanyang huling vlog, ay ikinuwento ni LJ ang hindi nila inaasahang mangyayari sa sanggol na dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Ayon kay LJ, noong unang yugto pa lamang ng kanyang pagbubuntis, ay nagpunta na agad siya sa doktor para magpa-check-up, upang malaman kung maayos ba ang lagay ng kanyang ipinagbubuntis.
Ngunit sa naging pag-eksamin sa kanya, ay hindi nila marinig ang heartbeat ng baby sa kanyang sinapupunan. Pero ayon sa doktor, ay baka kaya hindi pa ma-detect a heartbeat ay dahil nasa unang yugto pa lamang si LJ ng kanyang pagbubuntis.
“We were supposed to hear the heartbeat that appointment, but we couldn’t find one”, ang naging saad nga ni LJ.
“The doctor said, it could be too early, because I have myoma. On my first appointment, the doctor was saying I had myoma in my uterus – not alarming because it was growing the other way, not toward the baby”, dagdag pa nga nito.
Hindi naman inaasahan ng mag-asawang Jimmy at Lj, na sa kanyang ikalawang appointment, ay doon na nila malalaman ang isang malungkot na balita para sa kanilang mag-asawa.
“I went back to the next appointment, hoping to hear the heartbeat but still couldn’t. She (doctor) said we would do everything we could. She said, ‘Manage your expectations and be open to the possibility you can have miscarriage.”
“They call it a miscarriage. I didn’t bleed at first. Pregnancy stopped, the baby stopped.”
Isang malungkot na pangyayari ng ito para sa mag-asawang LJ at Jimmy. Ngunit sa kabilang banda, ay nagpasalamat pa rin si Jimmy dahil sa kabila ng pagkawala ng kanilang baby, ay maayos ang naging kalagayan ng kanyang asawa.
Ayon nga kay Jimmy, ay magiging pokus muna siya sap ag-aalaga kay LJ, at iniisip rin niya kung paano ipapaliwanag sa kanilang mga anak, ang pangyayaring nawala na ang inaasahan nilang magiging baby ng pamilya.
“As disappointing as it is, my biggest concern is to make sure that LJ is ok and to tell the kids.” Dahil nga sa naging pagpapa check-up ni LJ sa kanyang pagbubuntis, ay doon lang nalaman ng mag-asawa na mayroon pa lang tatlong maliliit na nodule si LJ sa kanyang thyroid, at dito napagtanto ni Jimmy, na kapag tumatanda pala ang isang tao, ay kinakailangan talaga na regular ang naging pagpapa konsulta sa doktor.
“And I think that’s what important. If you are in your late 30’s and early 40’s. make sure to get your annual check-up/. [We should] take care of ourselves as parents so that were around long enough to take care of them (kids).”



Bago naman matapos ang kanilang vlog, ay ipinaliwanag ni Jimmy, kung bakit nila ibinahagi ang pangyayaring ito sa kanilang buhay sa mga subscribers nila, at ito nga ay upang ipakita na maging sila ay kilalang personalidad sa showbiz, ay hindi rin naiiba sa mga simpleng tao ang kanilang buhay dahil makakaraos din sila ng mga bagay na pinagdaanan ng isang mag-asawa.
Ang mag-asawang Jimmy at LJ, ay mayroong tatlong anak, kung saan ang kanyang panganay na si Ian Maximus ay adopted nila at ang dalawang sina Keona Skye at Calen Asher ay parehong biological children ng mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *