Lj Reyes At Paolo Contis Binigyan Ng Intimate At Pinaka Cute Na Selebrasyon Ang 1st Birthday Ng Kanilang Anak

Para sa isang magulang ay kasiyahan na natin ang ipinagdiwang ng maganda at masayang selebrasyon ng kaarawan ng ating mga anak lalo na kung ito ay ang Unang Kaarawan nila. Karamihan sa atin ay talagang pinaghahandaan at pinag-iipunan ang ganitong selebrasyon dahil isa ang araw na ito kung saan din angkaka tipon-tipon ang isang pamilya upang mag kasiyahan.

Photo Credit: paolo_contis/Instagram




Ang pagkakaroon din ng isang selebrasyon ng kaarawan ng isang sanggol ay isa ring daan natin na magbigay ng pasasalamat sa buhay na patuloy na ipinagkakaloob sa kanya ng ating Poong Maykapal.

Photo Credit: paolo_contis/Instagram

Sina LJ Cruz at Paolo Contis ay ilan sa mga magulang na talaga namang nais na mapasaya ang kanilang anak na si Summer sa kaarawan nito. Kaya upang ipagdiwang ito ay naghanda ang magpartner ng isang intimate at pinaka cute na party para sa kanilang cute at adorable Baby Summer.

Photo Credit: paolo_contis/Instagram

Ang pagdiriwang na ito ng Kaarawan ni Baby Summer ay isang “Rustic-Floral theme party”, na kung saan ay dinaluhan ng kapamilya at mga kaibigan ng mag partner. Hindi rin naman mawawala sa pagdiriwang na ito ang unang anak ni LJ na si Aki na talaga namang mapagmahal sa kanyang kapatid na si Summer.

Photo Credit: paolo_contis/Instagram

Sa kanyang Instagram ay nagbahagi si LJ Reyes ng ilang larawan na kuha sa pagdiriwang ng kaarawan ng kailangan Baby Summer, kalakip ng larawang ito ay ang mensahe ng actress na kung gaano siya kasaya sa pagdating ni Baby Summer sa kanilang buhay at syempre hindi rin mawawala sa kanyang mensahe ng taos puso niyang pasasalamat sa mga taong nasa likod ng isang maganda at masayang pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak.

Photo Credit: paolo_contis/Instagram

“And now we’re complete! Celebrated Summer’s birthday with our family! Great food + awesome ambiance + best company filled our night with so much love and gratefulness.” Ang ilan sa mga isinasaad ng aktres sa kanyang instagram.

Photo Credit: paolo_contis/Instagram

Mababasa rin sa message ni LJ sa kanyang post na ang larawang ito ni Baby Summer ay idinaos sa @Pioskitchen, ang napakalaki at napakasarap na cake naman ay ginawa ni Achie Susan ng @Bethanydreamcakes. Ang kanilang photographer naman sa pagdiriwang na ito ay ang @niceprintphoto na isa sa mga kaibigan nila ni Paolo.

Photo Credit: paolo_contis/Instagram

May makikita rin na mga paaralan na para sa mga bata katulad ng fence,playmat at slide na talagang inenjoy ng mga batang naroon na mula naman kay Ron ng @babytown.ph. Ang napakaganda naman na inupuan ni Baby Summer ay ideya at gawa nisis Nicole ng @arteegram_manila na ayon pa kay LJ ay ito rin ang nag-asikaso noon ng 7th birthday ng kanyang anak na si Aki at maging ang baby shower noon para kay Summer.

Photo Credit: paolo_contis/Instagram

Marami pa nga ang binanggit ni LJ na mga tao na kanyang pinasalamatan sa naging matagumpay na pagdaraos ng kaarawan ng kanilang anak.

Sa kabilang banda naman ay nagbahagi rin ng kanyang mensahe si Paolo Contis sa instagram nito kalakip naman ang larawan ng pamilya nila ni LJ [Paolo, LJ, Aki, Baby Summer.




“Sa wakas! kahit late…nakapag celebrate din tayo ng magkakasama. Happy birthday again my baby”. Ang maikling mensahe ng aktor. Makikita nga naman kina LJ at Paolo ang kanilang saya sa mag celebrate ng kaarawan ng kanilang munting anghel na si Baby Summer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *