Loisa Andalio Masayang Ipinagdiwang Ang Kanyang Ika-22 Taong Kaarawan

Masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan ang aktres na si Loisa Andalio noong ika-21 ng Abril, araw ng Miyerkules, kung saan siya nga ay tumuntong na sa ead na 22-anyos.
Makikita sa Instagram account ni Loisa,




mas kilala ng kanyang pamilya bilang si Josefina Loisa Francisco Andalio sa tunay na buhay, ang naging pagbabahagi niya ng kanyang pasasalamat sa Panginoong Diyos ng isang panibagong taon na ipinagkaloob nito sa kanyang buhay, na sa kabila nga ng napakarming pagsubok ay hindi naman mawawala ang mga biyaya na kanyang natatanggap.

Photo Credit: iamandalioloisa/Instagram

“thank you God sa panibagong taon [praying hands emoji] [purple heart emoji] 22 [shining star emoji]”, ang post ni Loisa. Marami naman sa kanyang mga kaibigasa industriya ang bumati sa aktres, at maging kanya ring mga tagahanga ay nagkomento rin sa kanyang post na ipinapaabot ang pagbati ng mga ito para sa kanyang kaarawan.

Photo Credit: iamandalioloisa/Instagram

Ilan nga sa mga kaibigan niyang celebrity na bumati sa kanya ay sina, AC Bonifacio, Darren Espanto, Erich Gonzales at marami pang iba. Samantala, sa IG account naman ng nobyo ni Loisa na si Ronnie Alonte, na isa ring aktor, ay makikita ang naging post niyo na nagpapahayag kung gaano niya kamahal ang aktres,

Photo Credit: iamandalioloisa/Instagram

kasabay din ng pagbati para sa kaarawan nito. “IKAW ang nag-iisang TIYAK sa LIBO LIBONG DUDA [black heart emoji] Maligayang kaarawan sayo beh! ILOVEYOU! [red heart emoji]”, saad ni Ronnie.

Photo Credit: iamandalioloisa/Instagram

Isa sa mga magkarelasyon ngayon sa showbiz na talaga namang hinahangaan ang tibay ng pagmamahalan ay sina Loisa at Ronnie, kung saan ay mas lalo pa ngang pinagtibay ang pagmamahalan ng dalawa nitong panahon ng krisis dahil sa mga pagsubok na kanilang kinaharap.




Matatandaan na nagsimula ang karera ni Loisa sa showbiz ng siya ay maging isa sa mga housemate’s ng Pinoy Big Brother. At sa kabila ng hindi siya ang itinanghal na grand winner, ay naging matunog naman ang kanyang pangalan ng mapabilang na nga siya bilang isang aktres ng ABS-CBN network.

At dahil nga sa kanyang kasipagan at dedikasyon sa trabaho ay naisakatuparan na ni Loisa ang ilan sa mga pangarap niya, at isa na nga dito ay ang kanyang dream house na minsan na niyang ipinasilip sa kanyang YouTube channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *