Lola Ni Jake Zyrus Inilabas Ang Kanyang Hinaing Sa Kanyang Apong Si Charice Pempengco

Isang video mula sa lola ni Jake Zyrus o mas kilala natin noon bilang si Charice Pempengco ang naging usap-usapan online, ito ay matapos nitong ilabas ang kanyang saloobin para sa kanyang apo, na animo’y pinabayaan na siya.




Ang lola ngang ito ni Jake Zyrus, ay si Lola Tess Pineda, 74-taong gulang na ngayon, at ang kumukupkop na lamang ngayon ay isang nagmagandang loob na netizens.

Image Credit via Google

Sa videong ito na kumakalat, ay mapapanood ang panghihingi ng tulong ni Lola Tess Pineda sa mga kilalang personalidad, katulad na lamang ni Raffy Tulfo at Jessica Soho, ito ay dahil sa kanyang nararamdamang karamdaman.

Image Credit via Google

Mapapanood rin sa naturang video, ang naging hinaing nito sa kanyang apo, na kung bakit nagawa siyang pabayaan nito, sa kabila ng nagagawang pagtulong nito sa ibang tao.

Image Credit via Google

“May sakit po ako, ang BP ko lagi tatlong araw na 160/100. Pwede po baa ko matulungan makapagpa-checkup man lang ako? At kung maaari po sana nang makatulong ako sa taong nag-aalaga sa akin, gusto ko pong magkaroon ng makina para makapanahi kahit paunti-unti. Kaysa po ako’y lagi lang nakaupo, nag-aalala sa pamilya nag-iisip”, saad nito.

Image Credit via Google

“Charice, bakit mo ako ginanito anak? Yung ibang tao binubuhay mo, pinakakain mo. Pero ang lola mo kahit piso hindi mo naaalala? Kung ako’y naging masamang ina, kung ako’y naging masama lola, sa akin pa rin kayo nagmula.

Ano bang kasalanan ko sa inyo, para paghigantihan niyo ako ng ganito?” ang hinaing nga ni Lola Tess Pineda sa apo niyang si Jake Zyrus.

Sa Facebook page naman ng Mukbangers on the Road, ay ibinahagi rin ang larawan at video ni Lola Tess Pineda, kung saan ay nakalahad na ngayon nga ay isang nagmagandang loob na citizen ang kumukupkop sa matanda, at ito nga ay nangangailangan ng kanyang mga gamot.

“Siya po ay 74 years old na at may iniindang karamdaman nais niya pong makapagpa-checkup dahil lagi na po siyang nahihilo kailangan niya rin po ng mga gamot.”

“Pansamantala po syang kinupkop ng isang concern citizen ng Sta. Rosa Laguna, hinihiling din po niya na mabigyan siya ng isang makina sa pananahi upang kahit papaano ay makatulong siya sa taong kumumkop sa kanya.”




Ayon kay Lola Tess, ay kinakailangan niya ng gamot, at nais rin umano niyang magkaroon ng makinang Panahi, upang kahit siya’y matanda na, ay paunti-unti siyang makapanahi at matulungan ang taong nagmagandang loob na siya’y kupkupin at alagaan.

Samantala, ilang mga netizens naman ang nagpa-abot ng tulong pinansyal para kay lola Tess Pineda. Matatandaan na si Lola Tess Pineda, ay isa sa mga humadlang noon kay Charice Pempengco na ngayon ay si Jake Zyrus, na baguhin nito ang kanyang personalidad at kasarian, base sa kanyang tunay na nararamdaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *