Sino ba naman ang mag-aakalang 48-taong gulang na ang beteranang host na si Pia Guanio. Hindi naman kasi mahahalata ang edad nito, lalo na’t ‘looking young’ at talaga namang napaka-blooming pa rin ni Pia.

sa kabila ng kanyang edad at pagiging isa ding ina. Noong ika-24 ng Oktubre ay masayang ipinagdiwang ni Pia ang kanyang ika-48 taong gulang na kaarawan, at sa espesyal na araw na ito sa kanyang buhay, ay kasama niyang nagdiwang ang kangyang mga mahal sa buhay.
Makikita sa Instagram account ni Pia ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan, kung saan ay kanya ngang kasama ang asawa niya’t dalawang anak na babae na sina Scarlet Jenine at Soleil Brooklyn. Sa mga larawan nga na ito ni Pia, ay masisilayan ang kanyang pagigig ‘looking young and contented’ sa buhay niya ngayon .

Dahil nga sa hindi pa rin naman talaga masasabing ‘safe’ ang lumabas ng ating mga tahanan, ay sa loob lamang nagdiwang ng kanyang kaarawan si Pia, at bakas sa kanya ang kaligayahan sa araw ng kanyang kaarawan dahil sa kasama niya ang kanyang pamilya.
Nilakipan ni Pia ng caption ang kanyang ibinahaging larawan, kung saan ay mababasa nga ang mensahe niya ng pasasalamat sa Diyos, dahil sa maganda at malusog niyang pamilya. Mayroon pa nga siyang nilagay na hashtag “#birthdayparin.”

Marami naman ang nagpaabot ng kani-kanilang mga pagbati para sa beteranang host, ang iba ay mula sa kanyang mga kaibigan at katrabaho, at mayroon din na mula sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta. Narito naman ang ilan sa mga mababasang komento ng mga tagahanga ni Pia, para sa kanya ngang kaarawan.

Si Pia Guanio ay isa sa mga beteranang host at batikang showbiz reporter sa industriya ng showbiz. Una siyang nakilala sa ABS-CBN network, ngunit kalaunan ay lumipat sa GMA- network kung saan nga niya nakuha ang kanyag big break, at ito nga ay ang mapabilang bilang regular host sa longest running noontime show na EAT BULAGA, noong taong 2004.
Sa kasalukuyan naman ay hindi na nag-ho-host si Pia sa Eat Bulaga, na ipinagtaka ng kanyang mga tagahanga. Wala pa namang inilalabas na ppahayag si Pia, patungkol sa kanyang pagliban sa nasabing programa. Napapanood naman si Pia ngayon sa morning show na “Net 25.”