Lotlot de Leon Nagbahagi Ng Mensahe Para Sa Mga Kapwa Niyang Adopted Children

Kabilang sa mga mahuhusay na aktres sa mundo ng showbiz si Lotlot de Leon, at hindi naman ito nakapagtataka lalo pa’t ang mga magulang niya ay pareho ring kilala at tinitingala sa showbiz at ito nga ay ang dating mag-asawang sina Nora Aunor at Christopher de Leon.




At tulad ng ilang mga sikat sa showbiz, noon pa man ay naging bukas na sa publiko ang buhay ni Lotlot, kaya naman hindi na naging lihim ang pagiging isa niyang adopted child ng mga kilala niyang mga magulang.

Photo Credit: ms.lotlotdeleon/Instagram

Pitong buwang gulang na sanggol lamang si Lotlot ng siya ay ampunin ni Nora Aunor, ito ay matapos nga siyang ibigay ng lola ng tunay niyang ina sa aktres. Nagkaroon naman ng ama si Lotlot sa katauhan ni Christopher de Leon ng ikasal nga ang aktor kay Nora Aunor.

Photo Credit: ms.lotlotdeleon/Instagram

Ipinagtapat naman ng mga magulang ni Lotlot sa kanya ang pagiging adopted child niya noong siya nga ay pitong taong gulang na, at ayon sa aktres, noon ay talagang hindi niya pa gaanong nauunawaan ang konsepto ng pag-aampon, ngunit ito nga ay pinaunawa at ipinaliwanag ng Mabuti sa kanya ng kinalakihan at kinilala niyang ina.

Photo Credit: ms.lotlotdeleon/Instagram

Tulad ng ibang mga adopted children, ng malaman nga ni Lotlot ang katotohanan sa kanyang pagkatao, ay hindi niya na iwasan na isipin ang tunay niyang mga magulang at sumagi na makilala niya ang mga ito.

Photo Credit: ms.lotlotdeleon/Instagram

Ipinagdasal niya n asana ay makilala nga niya ang tunay niyang ina at ama, at sa kabutihang palad nga ay hindi nabigo si Lotlot sapagkat taong 1992 ng makilala niya ang tunay niyang ina at ito nga ay si Eva Rodriguez, samantala noong taong 2009 naman ng makilala niya ang tunay niyang ama na si Donald Lee Olson.

Photo Credit: ms.lotlotdeleon/Instagram

Dahil sa kwento na ito ng kanyang buhay, kamakailan nga lamang ay nagbahagi si Lotlot sa kanyang social media account ng mensahe para sa mga tulad niyang adopted children, at maging sa mga taong nakapaligid sa mga ito.

Photo Credit: ms.lotlotdeleon/Instagram

Mababasa sa unang bahagi ng social media post ni Lotlot ang kanyang matapang na pag-amin ng pagiging isa niyang adopted child, ngunit sa kabila nito ay nagpapasalamat din siya sa lahat ng mga magaganda at masamang pangyayari sa kanyang buhay na siyang naging daan upang mas mahubog niya ang kanyang pagkatao.

“I am grateful for many things in my life. I am grateful for all the good and bad things that I’ve been through because those are what molded to be who I am today! I accept what was and what is! I will keep in moving forward owning this life that was given to me”, pahayag ni Lotlot sa unang bahagi ng kanyang social media post.




Narito naman ang naging mensahe ni Lotlot para sa mga tulad niyang adopted child.
“For those who are like me, never be ashamed of where you came from and your story!”
Para naman sa mga taong iba ang trato at pagtingin sa mga adopted children, heto naman ang naging mensahe ng aktres. n“Oh, and please to those who keep on discriminating ADOPTED kids, let go of bigotry. It’s so unbecoming of a supposed “human being!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *