Napaka-happy nga naman ngayon ng aktres na si Sue Ramirez, hindi lang sa kanyang buhay bilang isang artista kundi maging sa kanyang buhay pag-ibig. Kamakailan nga lamang kasi ay ipinakita ni Sue sa kanyang social media account kung gaano siya kasaya sa piling ng kanyang boyfriend ngayon na anak ng dating Congressman ng Negros Occidental, at ito nga ay si Javy Benitez.
Sa kabila nga ng walang kumpirmasyo na naganap galing sa dalawa, ay makikita naman sa kani-kanilang social media account na hindi nila itinatanggi na sila ngang dalawa ay may relasyon na. kitang-kita naman kasi sa mga larawan na ibinabahagi nila sa kanilang social media account ang pagiging happy couple nila.

Makikita na noong ika-13 ng Oktubre ay nag-post si Javi sa kanyang Instagram account ng larawan ni Sue, at sa caption nito ay madadama kung gaano siya kasaya na makasama ang aktres sa isang palabas na pinamagatan ngang “Kid Alpha One.” Base sa mga naging ulat, ito ang kauna-unahang proyekto na nagkasama ang dalawa.

Hindi naman nagtagal ay muling nag-post ang binata ng larawan kung saan naman ay kasama nito si Sue at kalakip naman nito ay ang birthday message nito para sa aktres. Ayon nga sa caption ni Javy, kahit magulo ang minso ay hindi sila mabibigo at ang pagmamahal nga niya sa aktres ay hindi magbabago. Dito na nga kinumpirma ng mga netizens na mayroon ng namumuong relasyon sa dalawa.

“Palangga palangga gid (mahal na mahal talaga)”, ang mensahe pa ni Javy.
Samantala, kamakailan nga lamang ay nagbahagi naman si Sue ng larawan kung saan ay kasama naman niya si Javy, at ito nga ay may caption na “My love [red heart emoji]. Sa nasabing larawan ay makikita kung gaano ka-sweet ang dalawa, lalo pa’t mahigpit ang pagkakayakap ni Sue kay Javy. Kapansin-pansin din nga ang matamis na komento ni Javy sa naging post na ito ng aktres, kung saan ay kanyang sinabi ang katagang “Love you.”

Si Sue Ramirez ay isa sa mga hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz. Siya ay napapanood natin ngayon sa “Oh My Dad”, isang sitcom sa TV 5 channel na ang direktor ay si Jefrey Jeturian. Kasama ni Sue sa sitcom na ito ang aktor na si Ian Veneracion at aktres na si Dimples Romana. Buwan ng Oktubre lamang ng lumipat sa nasabing network ang mga nabanggit na cast ng nasabing sitcom.

Nito lamang namang buwan ng Abril ay nagpaalam na sa seryeng “Walang Hanggang Paalam” si Javy Benitez na matapos nga ang dalawang linggo ay nagtapos na din ang nasabing serye. Sa ngayon ay wala pa namang anumang anunsyo patungkol sa kung ano ang magiging bagong proyekto ng aktor.