Lovi Poe Ibinahagi Ang Career Na Maaring Tahakin Kung Nabubuhay Pa Ang Kanyang Ama

Ang isang ama ay isa sa pinakamahalagang tao sa ating buhay, sila ang kauna-unahang lalaki na nagmamahal sa atin ng lubos at walang kapantay. Ang ama rin ang isa sa mga humuhubog sa kanyang mga anak upang ang mga ito ay magkaroon ng mabuti at maayos na personalidad sa kanyang paglaki.

Image Credit via Google




Isa rin ang mga ama sa mga taong sumusuporta sa kanilang mga anak sa tuwing ang mga ito ay may nais gawin at tahaking karera sa buhay ng mga ito. Kaya’t napakaswerte ng mga taong hanggang ngayon ay kasa-kasama pa sa kanilang buhay ang kanilang ama.

Image Credit via Google

Isa sa mga hindi malilimutang ama sa industriya ng showbiz ay ang yumaong aktor na Hari ng Pelikulang Pilipino “Da’King” na si Fernando Poe, Jr. o mas kilala bilang si FPJ. Matatandaan na noong Disyembre 14 taong 2004 ng pumanaw si FPJ, at noong nakaraang taon ng Agosto 20 ay ipinagdiwang ang kanyang ika -80 kaarawan ng kanyang mga kapamilya at tagahanga.

Kahit pa nga ba halos 14-taon na ang lumipas mula ng pumanaw si FPJ ay hindi pa rin siya nalilimutan ng mga taong nagmamahal sa kanya lalong lalo na ang kanyang pamilya at mga tagahanga.

Taon-taon naman ay nagkakaroon ng misa sa puntod ni FPJ sa Manila North Cemetery na idiraos tuwing kaarawan nito sa pangunguna ng kanyang asawang si Susan Roces at kasama nito ang mga tagahanga at pagsuporta ni FPJ.

Isa naman sa mga kaugalian ng pamilya na tuwing sasapit ang araw na ito ay namimigay sila ng mga laruan at mga groceries sa mga tagasuporta ni FPJ na dumalo sa misa ng inihanda para sa yumaong Da King.

Ang isa naman sa mga anak ni FPJ na si Lovi Poe ay inamin na matagal tagal na siyang hindi makakapunta sa puntod ng kanyang ama pero ito ay plano niyang bisitahin upang mag-alay ng dasal para rito.

Sa pagsapit ng araw ng kaarawan ng kanyang ama ay muling ginuta ni Lovie ang mga panahong kasama pa niya ito at nabubuhay pa. Naisip rin umano ng aktres na marahil kung buhay pa ang kanyang ama ay iba ang kanyang karera sa buhay na tinatahak ngayon.

Bagama’t masaya ang aktres sa buhay na kanyang tinatahak ngayon ay iba pa rin raw kung kasama niya ang kanyang ama na gumagabay sa bawat desisyon niya buhay.




Ayon din kay Lovie marahil ay hindi siya isang aktres ngayon kundi isang Psychiatrist kung halimbawa ng buhay pa ang kanyang ama.Para naman kay Lovie ay kahit wala na ang kanyang mahal na ama ay alam niya na ginagabayan pa rin sila nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *