Lovi Poe Ipamamalas Ang Husay Bilang Isang Aktres Sa Hollywood Film Na The Chelsea Cowboy

Ilang mga Pinay celebrity na rin ang nagpamalas ng kanilang angking husay sa pag-arte hindi lang sa ating bansa kundi maging sa ibang mga bansa. At ngayon nga, ay panibagong Pinay celebrity naman ang ipapamalas ang kanyang angking husay bilang isang aktres sa isang Hollywood film, at ito nga ay si Lovi Poe.




Kamakailan lamang ay inilabas ng Deadline.com isang Hollywood online news ang casting nito, at kabilang nga rito si Lovi Poe.

Photo Credit: lovipoe/Instagram

Si Lovi ay isa sa mga magiging cast ng Hollywood film na may titulong “The Chelsea Cowboy” kung saan ay gaganap siya bilang British blue singer na tumulong sa protagonist na si John Bindon. Ang kanyang karakter na ito ay dati na ring ginampanan ni Dana Gillespie.

Photo Credit: lovipoe/Instagram

Kilala si Dana Gillespie bilang ang orihinal na Mary Magdalene sa isang music play na sumikat noong 1972 na Jesus Christ Superstar, kung saan ay kanyang nakasama sina Andrew Weber at Tim Rice.

Photo Credit: lovipoe/Instagram

Samantala, balik naman tayo sa Hollywood film na pagbibidahan ni Lovi Poe. Makakasama ng Pinay actress sa pelikulang The Chelsea Cowboy ang iba pang mahuhusay na Hollywood actor na sina Alex Pettyfer (Magic Mike), Poppy Delevigne (Rivera) at Idris Elba (The Suicide Squad). Ang direktor ng pelikulang ito ay si Ben Cookson.

Photo Credit: lovipoe/Instagram

Sa Instagram account naman ni Lovi, ay kanyang ibinahagi kung gaano siya nae-excite sa kanyang upcoming na project na ito, kung saan ay makakasama nga niyang ilan sa mga sikat na Hollywood celebrities.

Photo Credit: lovipoe/Instagram

“Ahhh… can’t wait to start filming The Chelsea Cowboy in October”, ang naging saad ng aktres sa kanyang IG post. Dagdag pa niya, “The film is biopic ob the life of actor, gangster and lothario John Bindon. I’ll be plating blues British singer Dana Gillespie!

“Excited to be working with this amazing team of creatives @alexpettyfer @poppydelevigne @idriselba” “More details see you soon!”

Ayon nga sa mga lumabas na ulat, ang pelikula na “The Chelsea Cowboy” ang hango sa makulay na buhay ni John Bindon, kung saan siya ay isang English actor na may komeksyon pala sa mga gangster sa London. Noong taong 1943-1993 ay isa ngasa mga naging kontrobersyal ang kuwento na ito ng buhay ni John Bindon.




Si Lovi Poe ay isa rin naman sa mga talented actress sa Philippine showbiz industry, at paniguarado na sa pelikulang ito ay mas ipamamaas pa ni Lovi ang kanyang husay at galing sa pag-arte. Ilan sa mga proyekto ni Lovi na talaga namang tumatak sa maraming mga manonood ay ang “Owe My Love” at “The Other Wife.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *