Luis Manzano Inamin Na Siya Ay “Germophobe” O Taong Praning At Takot Magkasakit

Inamin ng host na si Luis Manzano na siya ay may slight kundisyon na “Germaphobe” na kung saan ay takot siya madapuan ng anumang bacteria o virus na maaring magdulot sa kanyang katawan ng karamdaman.

Image Credit via Google




Ilang taon na ngang namumuhay ng independent o solo ang host na si Luis Manzano, kaya naman halos lahat ng kinikita niya ay talagang gastusin lamang para sa kanyang sarili. Isa sa mga ineenjoy gawin ng host ay ang pag shoshopping o pamimili ng mga basic needs sa loob ng kanyang tahanan lalo na ang mga bagay na pang proteksyon sa mga sakit o virus.

Image Credit via Google

Kwento ng aktor bago pa lumabas ang Ncov o Coronavirus ay may isang produkto na siya na pangkaligtasan na talagang hindi nawawala sa tuwing siya ang mamimili. Pangarap din umano niya na balang araw ay maiendorso niya ang produktong ito.

Image Credit via Google

“Kahit papano I’m very very fortunate na medyo may mga endorsements ako. Pero yung goal ko na endorsement na feeling ko pag yun ang nakuha kong endorsement, dun ako yayaman sa sobrang dami ng tinipid ko and that is alcohol. Kasi totoo ito slight Germaphobe akoso every room in my house has a alcohol. Every single time grabe ako mag alcohol.

Image Credit via Google

So feeling ko, mga 90% ng kinikita ko napunta lang sa alcohol. Kaya sa mga kumpanya ng alcohol, kumakatok ako sa puso niya para makatipid tipid ako. So yun palagi ang una-una kong kinukuha”. Ayon sa aktor ng mapanayam siya sa Puregold Mobile App launch noong January 31 sa Ortigas..

Sa panayam niya ring ito ay ibinahagi ni Luis na pareho sila ng kanyang ina na si Vilma Santos-Recto na hilig din at enjoy din sa pamimili, ayon sa kanya sa tuwing may shoot sila noon na mga endorsement sa Puregold at break time o may isang hindi kasama sa shoot ay talagang naglilibot sila at namimili sila at syempre binabayaran pa rin umano nila ito at hindi lang sila basta kuha ng kuha.

Matapos naman ang naging pag-amin ng host na siya ay slight Germophobe ay nagbahagi naman siya sa kanyang social media account ng reminder para sa kanyang mga followers ng proper etiquette sa tuwing uubo o babahing ito ay upang magkaroon din umano ng ideya ang ating mga kababayan kung paano pangangalagaan ang kanilang sarili na malayo sa anumang karamdaman.




Ayon pa nga sa host ang kanyang mga kaibigan at maging ang kanyang kasintahan na si Jessy Mendiola ay alam na siya ay talagang Germaphobe kaya naman talagang umiiwas siya sa mga taong inuubo upang mapangalagaan ang kanyang sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *