Lyca Gairanod Sinagot Ang Mga Nagtatanong Kung Siya Ba Ay Nagparetoke

Matatandaan na si Lyca Gairanod ay naging internet sensation noon, ng isa sa mga netizens ang nag-upload ng kanyang video habang umaawit siya ng isang napakagandang awitin habang may hawak hawak siyang bente pesos sa kanyang mga kamay.



Dito nga nagsimula ang isang magandang buhay para sa isang batang lumaki sa hirap.
Ipinanganak noong November 21, 2004 sa isang Bayan sa Cavite ang batang si Lyca. Ang kanyang ama ay isa lamang mangingisda at magbobote dyaryo naman ang kanyang ina,
Image Credit via Google
kaya naman upang makatulong sa mga gastusin ng kanyang pamilya ay tumulong sina Lyca at kanyang mga kapatid sa paghahanap ng mapagkakakitaan. At ang naging pamamaraan nga nila noon ay ang pangongolekta ng mga bote, plastic, at iba pang mga basura na pwede nilang i-recycle at pagkakitaan.
Image Credit via Google
Dahil sa kanyang pagnanais na mabigyan ng maalwang pamumuhay ang kanyang pamilya, ay sumali si Lyca sa The Voice Kids Season 1 noon, kung saan ay marami sa mga kanyang naging kalaban ay talagang magaling din umawit.
Image Credit via Google
Kahit na marami sa kanyang mga kalaban ang sadyang magagaling rin umawit, ay mapalad si Lyca ng siya ang tanghalang kampeon sa patimpalak.  Dahil nga sa kanyang naging pagkapanalo.
Image Credit via Google
Ay maraming oportunidad ang nagbukas kay Lyca, tulad na lamang ng mga TV guesting, mga imbitasyon kung saan ay pinapa-awit siya para sa mga event at maging ang pag-arte ay nasubukan rin niya, ito ay ng ine-ere ang kwento ng kanyang buhay sa Maalaala Mo Kaya.
Image Credit via Google
Ilang taon na nga ang lumipas na ang musmos na Lyca Gairanod ay nagwagi sa The Voice Kids, at ngayon nga ay ganap na siyang dalaga sa edad niya ngayon na 15-taong gulang.
Image Credit via Google
Sa kanyang pagdadalaga ay marami ang nag papansin na tila malaki ang pinagbago ng kanyang hitsura, kumpara noon na isa pa siyang batang gusgusin dahil ngayon ay napakaganda na niya at ang kutis niya ay pumuti at kuminis na.
Image Credit via Google
Marami ngang mga netizens ngayon ang nagtatanong kung nagparetoke baa ng dalaga upang ma-achieve ang pagbabago ng kanyang awra ngayon. “Iki-clear ko lang, hindi po ako retokada. Kahit isa hindi po ako nagparetoke.”
Sa isa ngang uploaded video ni Lyka, kung saan ay nagbigay siya ng kanyang reaksyon tungkol sa kanyang mga sumikat na larawan noong bata pa siya ay sinagot rin ng dalaga rito ang katanungan ng ilan na kung siya ba ay sumailalim sa pagpaparetoke.
“Kahit ‘yung turok-turok, yung nagpapaputi daw ako, hindi rin.” Diretsahan ngang sinagot ni Lyka, na hindi siya sumailalim sa anumang pagpapaganda o pagpapaputi, at nagawa pa nga nitong magbiro na kaya siya pumuti ay dahil sa isang sikreto na kanyang ginawa at ito ay ang hindi paglabas ng bahay.



“Ang tawag doon huwag lalabas ng bahay para pumuti-puti lang.” Bago nga matapos ang kanyang video, ay sinabi rin ng dalaga na wala sa kanyang plano ang magparetoke ng anumang parte ng kanyang katawan. “Wala akong balak magparetoke ha.”
May ilang mga netizens naman ang nagbigay ng kanilang mga komento sa video uploaded na ito ni Lyka, at ang ilan pa nga ay nagsabi na hindi na nito kailangan pang magparetoke dahil mas maganda ito sa kanyang natural na ganda ng taglay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *