Lyca Gairanod Sinurpresa Ang Kanyang Minamahal Na Lola Sa Pagdiriwang Nito Ng Ika-86 Taong Kaarawan

Para pasayahin ang kanyang pinakamamahal na Lola, ay isang simple ngunit masayang selebrasyon ang inihanda ng mahusay na singer na si Lyca Garanoid sa pagdiriwang ng ika86 taong kaarawan nito.




Ibinahagi nga ni Lyca sa kanyang pinakabagong vlog ang naging paghahanda niya para bigyang kasiyahan ang kanyang minamahal na lola sa kaarawan nito. Hindi nga papayag ang singer na hindi maipagdiwang ng kanilang pamilya ang kaarawan ng kanyang lola, kahit pa nga ba isang simpleng selebrasyon lamang.

Image Credit via YouTube

Sa latest vlog ni Lyca ay kanyang ipinakita na bago pa man matapos ang araw ng kaarawan ng kanyang Lola, ay naisipan niya itong bilhan ng isang bagay na alam niyang makapagbibigay dito ng simpleng kaligayahan, at ito nga ay ang bilhan ito ng isang masarap na cake.

Image Credit via YouTube

Kasa-kasama nga ng singer ang kanyang kapatid sa pagbili niya ng cake. Maliban pa nga sa cake, ay naisipan rin ni Lyca na bilhan ng magandang bistida ang kanyang lola, upang mas gumanda pa ito sa kanyang kaarawan.

Image Credit via YouTube

Makikita nga na pag-uwi nina Lyka at ng kanyang kapatid sa kanilang tahanan, ay naroon ang kanilang lola na sumalubong sa kanila, at ng makita nga nito ang cake na dala-dala ng apo, kasabay ng pag-awit ng mga ito ng maligayang kaarawan ay kitang-kita sa mukha ng naturang matanda ang kanyang pagka-surpresa at pagiging masaya.

Image Credit via YouTube

Sa kabila nga ng napaka-simpleng selebrasyon na ito para sa kanyang kaarawan, ay malaki pa rin nag naging pasasalamat ng lola ni Lyca, dahil sa hindi nakalimutan ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang apong si Lyca ang kanyang kaarawan. Nagpasalamat din ang nasabing matanda, sa regalo na kanyang natanggap mula kay Lyca.

Image Credit via YouTube




Ngayon nga ay 86-taong gulang na ang lola ni Lyca, at ang tanging hiling lang umano nito para sa kanyang kaarawan, ay ang mas mahaba pang buhay at malakas pang pangangatawan, upang masilayan niya pa ang kanyang mga magiging susunod na apo.

Image Credit via YouTube

Video Credit: Lyka Gairanod/YouTube

Hiling naman ng buong pamilya ni Lyca para sa kanilang Lola, ay ang makasama pa nila ito ng matagal , at ang patuloy pa itong bigyan ng Diyos ng kalakasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *