Madam Inutz Masaya Ngayon Dahil Sa Kanyang Natagpuang Bagong Pag-Ibig

Hindi man pinalad si Madam Inutz na makuha ang inaasam na maging Big Winner sa Pinoy Big Brother, ay winner naman siya ngayon sa buhay pag-ibig, matapos ngang makatagpo ang taong muling magbibigay kasiyahan sa kanyang puso.




Kilala ng publiko si Madam Inutz bilang ang viral online seller na ngayon ay isa na rin ngang celebrity. Bago pa man nga napasok sa mundo ng showbiz, ay naging bukas na sa publiko si Madam Inutz o sa tunay na buhay ay si Daisy Lopez Cabantog sa kuwento ng kanyang buhay.

Photo Credit: daisyinutz/Instagram

Isa siyang single mom, sapagkat hindi nga siyang pinalad sa mga naging karelasyon niya noon na siya ngang tatay ng kanyang mga anak.

Photo Credit: daisyinutz/Instagram

Samantala, marahil ay maraming nagtataka sa atin kung bakit nga ba tinawag niya na ‘Madam Inutz’ ang kanyang sarili, at ito nga ay ipinaliwanag niya sa isang panayam sa kanya noon, kung saan ito nga umano ay naisip niya dahil umano sa sinabi noon sa kanya ng ex-boyfriend niya.

Photo Credit: daisyinutz/Instagram

“Parang feeling ko sa sarili ko, inutil ako dahil noong naghiwalay kami ng boyfriend ko, sinabi niya sa akin na ‘uselles ka, wala kang silbi’. So, du’n ako napaisip na ah baka inutil pala ako”, ang naging kuwento nga noon ni Madam Inutz.

Photo Credit: daisyinutz/Instagram

Upang masuportahan ang kanyang mga anak ganun din ang kanyang buong pamilya, ay mag-isa ngang hinarap ni Madam Inutz ang buhay, matapos ang lahat ng mga masalimuot na pangyayari na kanyang pinagdaanan. Hanggang sa makamit na nga ni Madam Inutz ang buhay na tinatamasa niya ngayon.

Photo Credit: daisyinutz/Instagram

Kahit naman ilang beses na dumaan sa kabiguan sa pag-ibig si Madam Inutz, tila naman ngayon ay nakatagpo na nga niya ang lalaking muling magpapasaya sa kanyang puso. Ito ay matapos ngang ibahagi ni Madam Inutz nito lamang nakaraan sa kanyang social media ang larawan niya kasama ang isang gwapong lalaki, at kasabay nito ay angpagpapakilala niya rito bilang kanyang nobyo.

“Mga inutz, happy Inutz n’yo oh! Dakz’ yung nakapitan kong muscle. Ow jieeva? N*moka! Pag mag jowa tayo tapos dyutz ka, goodbye babush Japan ako!”, ang naging pagbibiro ngang pagpapakilala ni Madam Inutz sa lalaking nagpapatibok sa kanyang puso ngayon.
Dagdag pa niya, “Mas masarap mag TikTok kug mayroon kang inspirasyon.”




Makikita naman sa mga larawan ni Madam Inutz at ng ipinakilala niyang boyfriend ang mga sweet moments ng dalawa, at maging sa pagawa nga ng TikTok video ay tila nagkakasundo ang dalawa sapagkat may ini-upload ngang TikTok si Madam Inutz sa kanyang Facebook account kung saan makikita na magkasabay silang umiindak at kitang kita ang pag-i-enjoy nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.