Mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff Ipinasilip Ang Naging Freediving Sa Bohol

Tila muling binigyang buhay ng aktres at celebrity mom na si Anne Curtis ang naging karakter niya noong taog 2014 sa hit serye ngang ‘Dyesebel’ kung saan siya nga ang bumida, at ito nga ay matapos niyang subukan ang freediving sa Panglao, Bohol.




Ayon sa ulat kasama ng actress at television host sa freediving session na ito ang kanyang mister na si Erwan Heusaff at ang mahusay na photographer namang si Martin Zapanta ang kumuha ng magagandang larawan ng mag-asawa habang sila nga ay nasa ilalim ng karagatan.

Photo Credit: imartinzapanta/Instagram

“Morning dip. Next time, I’ll make it all the way down to the [plane] in one breath… ‘Di na kinaya ng Dyosabel powers ko”, ang naging saad ni Anne sa kanyang Instagram post.
Samantala, maging ang mister ni Anne na si Erwan ay nagawa ring magbahagi ng larawan nila ng kanyang misis habang nasa underwater sa kanyang Instagram na kuha rin nga ni Martin Zapanta, ito naman ay kanyang nilakipan ng caption na “Checked out the new airplane wreck in Panglao and had a few laughs with this one.”

Photo Credit: imartinzapanta/Instagram

Makikita nga sa larawan ng mag-asawang Anne at Erwan ang ka-sweetan at kasiyahan nila habang nasa underwater. Makikita rin kung gaano ka-seksi ang aktres at celebrity mom na si Anne sa mga larawan niya suot nga ang kanyang one-piece swimsuit backless nga ang likod.

Photo Credit: imartinzapanta/Instagram

Ayon sa ulat ang mag-asawang Anne at Erwan ay kasalukuyang nasa Bohol para sa kanilang beach vacation kung saan ay kanila rin ngang kasama ang napaka-cute at adorable nilang anak na si Dahlia Ahmelie. Kasama rin nga umano ng pamilya sa bakasyon nilang ito ang mga kapatid ni Anne na sina Jasmine at Thomas Curtis-Smith.

Photo Credit: imartinzapanta/Instagram

Marami namang mga ulat ngayon ang naglalabasan na nalalapit na nga ang pagbabalik telebisyon ni Anne bilang parte muli ng noontime show na It’s Showtime ng Kapamilya network. Matatandaan na pansamantalang nagpahinga ang actress-host sa showbiz ng isilang nga niya ang anak niyang si Dahlia Amelie ito nga ay upang mag-pokus muna sa kanyang pamilya at karirin pa nga lalo ang pagiging isa niyang ina.




Sa nalalapit nga na ika-11 ng buwan ng Hunyo ay magkakaroon ng live concert si Anne na may title ngang “Luv-Anne!” at ito nga ay gaganapin sa Newport Performing Arts Theater of Resorts World Manila. Tila parte na rin nga ang concert na ito ni Anne ng kanya ngang pagbabalik muli sa trabaho sa showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published.