Mag-Asawang Assunta De Rossi At Jules Ledesma Nagdiwang Ng Ika-18 Anibersaryo Bilang Mag-asawa

Ika-14 ng Disyembre taong 2002, ng unang ikasal ang aktres na si Assunta De Rosi, sa kanyang asawa na si Jules Ledesma. Ang unang kasal nila ay isang “civil rights”, na ginanap sa lugar kung saan nagmula ang pamilya ni Jules Ledesma, at ito nga ay sa San Carlos City.




Kaya naman ng araw ng ika-14 ng Disyembre ng kasalukuyang taon (2020), ay labing walong taon ng kasal sina Jules at Assunta.

Photo Credit: julesledesma/Instagram

Sa Instagram ni Assunta, ay ibinahagi niya na ang araw na iyon ang ay selebrasyon ng kanilang ika-14 wedding anniversary ng asawang si Jules. Kung saan, ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay mas pinatibay at pinatatag pa ng biyayang natanggap nila ngayong taong 2020.

Photo Credit: julesledesma/Instagram

Kalakip ng post ni Assunta tungkol sa anibersaryo nila ng asawa, ay ang pagbabahagi rin niya ng larawan ng kanilang unang anak, at ito nga ay si Guilia Florentina Alessandra.
“Today is our 18th anniversary. Had I given birth in 2002, we would have a debutante for now”, saad nga ng aktres.

Photo Credit: julesledesma/Instagram

“Well, her she is. She arrived late, our little chick”, dagdag pa nga ni Assunta.
Matatandaan na noon lamang ika-23 ng Oktubre ng taong ito (2020), ng isinilang ni Assunta De Rosi ang unang anak nila ng asawang si Jules, na si baby Fiore.

Photo Credit: julesledesma/Instagram

Samantala, sa sobrang tagal na ngang mag-asawa nina Jules at Assunta, ay hindi nila inakala na sa halos 18-taon na paghihintay na magkaroon ng anak, ay ibibigay na ito sa kanila. Kaya naman ng ianunsyo ni Assunta noong buwan ng Mayo 2020, ang kanyang pagbubuntis, ay sinabi rin niya na itinuturing niyang isang “miracle baby” ang kanilang unang anak ni Jules.

Labing apat na linggo pa lamang siyang buntis noon, ng ibahagi ni Assuta sa publiko ang kanyang pagbubuntis, ito ay matapos niyang bisitahin ang kanyang doktor noong ika-5 ng Marso, ng hindi na siya datnan ng kanyang”monthly period”.




“An Ultrasound scan and blood test confirmed later that day that, I was about 5 days pregnant. I know shocking!”

“Getting pregnant with natural way with myoma and endometriosis, (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or miracle can make it happen. This was a miracle!” ang naging saad pa ni Assunta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *