Mag Asawang Beauty Gonzales At Norman Crisologo Pinatunayan Ang Pagmamahalan Kahit May 25 Years Age Gap

“Age doesn’t matter”, marami na ang nagpatunay ng paniniwalang ito pagdating sa pag-ibig. Tunay nga naman na kapag ang dalawang taong wagas na nagmamahalan ay hindi makakahadlang ang kahit anopaman, kahit na nga malaki ang age gap nila sa isa’t isa.
Ngunit ang mundo nga ay hindi mawawalan ng mga taong mapanghusga dahil marami nga sa mga taong nagmamahalan na may malaking agwat sa isa’t isa ang hindi nakaiwas na makaranas ng paghuhusga mula sa ibang tao.




Samantala, isa sa mga kilalang personalidad sa showbiz ay ang aktres na si Beauty Gonzales at hindi lingid sa kaalaman ng marami sa atin na ito at ang kanyang asawang si Norman Crisolo ay mayroong makaking age gap sa isa’t isa, dahilan para sila ay makaranas din ng panghuhusga sa kanilang pag-iibigan.

Image Credit via Google

Aminado naman ang mag-asawa na maging sila ay nakatanggap din noon ng panghuhusga dahil nga sa malaking agwat ng edad nila sa isa’t isa. May ibang tao pa nga na nagsabi na baka pera lamang ang habol ng aktres sa negosyante. Dalawampu’t limang taon kasi ang age gap ng mag-asawang Beauty at Norman, kung saan ang Kapuso actress nga na si Beauty ay nasa 29-taong gulang pa lamang ang edad,

Image Credit via Google

samantala ang mister niyang businessman/art curator na si Norman Crisologo ay nasa edad 55 na. Taong 2017 ng ikinasal nga ang dalawa at it ay naganap sa isang napakagandang lugar sa Tagaytay, kung saan mas dito nga nila pinatunayan sa marami na ang kahit malaki ang age gap nila ay hindi naman ito hadlang sa kanilang pagmamahalan. Bago naman ikinasal si Norman kay Beauty ay dati itong kasal sa aktres na si Max Eigenman at sila nga ay mayroong dalawang anak.

Image Credit via Google

Hindi naman nagtagal ay nabiyayaan ng isang napakagandang anak ang mag-asawang Beauty at Norman at ito nga ay ang 5-taong gulang na ngayon na si Olivia na siya ngang mas lalong nagbigay ng kasiyahan sa kanilang buhay. Sa kabila ng lahat ng panghuhusga na naranasan nina Beauty at Norman hanggang ngayon nga ay nanatiling matatag ang pagsasama nila, at patuloy nga nilang pinapatunayan sa lahat na wagas ang kanilang pagmamahalan.




Minsan na ngang nabanggit ng aktres na si Beauty Gonzales noon na ang kanyang mister na si Norman ang nagpabago sa buhay niya, kung saan magmula nga ng maging parte ito ng kanyang buhay ay tila nga mas lalo pang naging maayos ang kanyang career.
“My whole life changed whem I met Norman. Maraming nangyari sa career ko. He’s my mentor. He’s my everything. That’s was one of the biggest changes, na-uplift yung career ko when I met him. I’m happy he came at te right time, he guides me very well kasi we really help each other”, pahayag noon ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *