Mag Asawang Billy Crawford At Coleen Garcia Ipinasilip Ang “Safari-Themed Nursery Room” Ng Kanilang Baby Amari

Karamihan sa mga first time parents, ay talaga namang nae-excite sa pagdating ng kanilang magiging unang baby, kaya naman lahat ng mga bagay na kailangang ihanda sa pagdating ng bagong miyembro ng pamilya, ay agad nilang pinaghahandaan at pinag-iisipan.




Katulad na lamang nga ito ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, na kung saan ay talaga namang pinaghandaan ang lahat ng kakailanganin ng kanilang baby, sa oras ng pagsilang nito.

Image Credit via YouTube

Sa isang panayam sa Tv host na si Billy Crawford ng Metro. Style ay naibahagi nito, kung ano ang unang bagay na kanilang pinaghandaan ng asawang si Coleen, noong malaman nila ang pagbubuntis nito.

Image Credit via YouTube

Ayon kay Billy, isa sa una nilang inisip mag-asawa, ay kung saan ang magiging “nursery room’, ng kanilang magiging baby, at kung ano ang magiging disenyo nito.
“That was the first thing, when she’s got pregnant. We started thinking, ‘Where will the nursery be’.’, ang naging paglalahad nga ni Billy.

Image Credit via YouTube

Ibinahagi naman ni Coleen Garcia, na ang dati nilang “gym” sa loob ng kanilang tahanan ang ginawa nilang nursery room para sa kanilang baby. Tapos inilipat na lamang umano nila ang mga gym equipments nila, sa may bandang ilalim ng hagdan ng kanilang tahanan.

Image Credit via YouTube

“This very room used to be our home gym. Upon turning it into a nursery, we had to transfer our home gym downstairs”, ang naging saad naman ni Coleen.

Image Credit via YouTube

Ayon pa nga sa mga-asawa, ay talagang pinag-isipan nila ang disenyo ng “nursery room” ng kanilang baby, kung saan ay imbis na gawing tipikal na baby blue ang kulay, na kadalasan ng kulay ng mga nursery room ng mga baby boy, ay mas inisip nila na gawin itong “unique” pero pang baby boy pa rin ang tema.

“We wanted to stay away from he typical pastel blue (the typical boy-girl color).. We wanted it to be somewhat gender neutral, but we still wanted a little gentle masculine vibe. So that’s why we went for the deep green instead of blue. It makes the room so much fresh.

It’s great shade of green. Something you wouldn’t think to use in a nursery. It’s a perfect complement to the wall paper which is safari”, dagdag pa ni Coleen.

Sa naging pagpapasilip nga nina Coleen at Billy sa nursery room ng kanilang baby, ay makikita na ang naisip na tema at disenyo ng mag-asawa para sa nasabing silid ng kanilang anak, ay isang “Safari-Themed nursery room, kung saan ay napakalawak nito, at talaga namang napaka-aliwalas. Mas nagbigay din ng buhay sa silid, ang mga luntiang kulay nito,

at ang mga iba’t ibang uri ng Zoo animal wall sticker na ikinabit sa dingding nito.
Ibinahagi naman ni Coleen na kaya naisipan nila nag awing “safari” ang tema ng nursery room,

ay upang maging ‘familiar’ agad ang kanilang anak na si Baby Amari sa mga animals, sa pamamagitan nga ng mga Zoo animal wall sticker na masisilayan nito sa paligid ng nursery room.

“I didn’t really get to grow up around many animals, and Billy didn’t either. The first time he saw giraffes and zebras was when we went to Africa. So we want to introduce tto our babies as early as now, even if just this way.”

Ang nanguna naman sa pag-aayos at pagdisenyo ng nursery room na ito, para kay baby Amari nila Coleen at Billy ay ang interior designer na si Mark Steven Perez ng Empire Designs, ang Harver Hill Furniture at ang New Gussy design.

Samantala, ilan naman sa makikitang mga kagamitan sa “Safari-themed” nursery room na ito ni baby Amari, ay ang kanyang napakagandang crib na gawa ng Pottery Barn. Makikita rin na mayroon ditong custom-design and multi-functional changing table na gawa naman ng Harver Hill.

Mayroon ding makikitang cabinets, shelves, at ilang mga containers, storage sa nursery ni baby Amari kung saan dito nakalagay ang kanyang mga baby essentials. Mayroon ring halaman sa nasabing silid, kung saan ito umano ang magpu-purify ng hangin sa loob ng nursery room ni Baby Amari.

Video Credit: Metro.Style/YouTube

Kwento pa ng mag-asawang Coleen at Billy, simula nagkaroon ng nursery room ni Baby Amari sa kanilang tahanan ay ito na ang paborito nilang tambayang mag-asawa.




Bago naman matapos ang panayam sa mga-asawang Coleen at Billy, ay nagbigay payo pa ang mga ito para sa mga ‘first time parents’ tulad nila, na kung ano ang mga dapat isipin at gawin, kapag nais ng mga ito na magkaroon ng maganda at maaliwalas na ‘nursery room’ ang kanilang magiging anak.

Ibinahagi rin ng mag-asawa, ang mga pangalan ng de kalidad na produkto na mas magandang bilhin at gamitin sa loob ng nursery room ng baby.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *