Mag-asawang Carmina Villaroel At Zoren Legaspi Nagdiwang Ng Kanilang Ika 8th Wedding Anniversary

Ikinasal ang mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi noong ika-15 ng Nobyembre 2012, kung saan ay isang “wedding surprise” ang nangyari, na mismong gumanap sa parehong petsa ng kanilang anibersaryo.




Ang naturang wedding surprise, ay matagumpay na naisagawa, sa tulong ng mga kaanak, kaibigan ng mag-asawa, at syempre ng anak niyang kambal na sina Navy at Cassy.

Photo Credit: cassy/Instagram

Kaya naman ngayong taong 2020, ika-15 ng buwan ng Nobyembre, ay ipagdiwang nina Carmina at Zoren, ang kanilang ika-8 anibersaryo ng kasal at bilang mag-asawa.

Photo Credit: cassy/Instagram

Sa espesyal na araw na ito, para sa mag-asawa, ay nagbahagi ng pagbati ang kanilang mga anak sa kanila. At isa na nga sa mga ito si Cassy, kung saan ay nagbahagi siya ng larawan ng kanyang mga magulang sa kanyang Instagram account kalakip ang pagbati niya sa mga ito.

Photo Credit: cassy/Instagram

“Happy 8th Wedding Anniversary mama ang tatay!!! No matter how far away they are from each other, they’re still inseparable! (literally) #SanaAll [heart emoji]”, ang naging masaya ang pagbati ni Cassy sa kanyang mga magulang.

Photo Credit: cassy/Instagram

Samantala, makikita nga sa larawan na ibinahagi ni Cassy sa kanyang post, ang mag-asawang Carmina at Zoren, na bahagyang magkalayo sa isat isa, ngunit may hawak na pulang tali, ang isa’t isa na nakakonekta naman sa kanila, habang ang mga mukha ay naka-make face pa.

Photo Credit: cassy/Instagram

Marami naman sa mga tagahanga ng mag-asawa ang nagpa-abot rin ng pagbati sa mga ito, at natuwa sa larawan na ibinahagi ni Cassy, na may hashtag nga na SANA ALL.

Narito ang isa sa mga naging pagbati ng netizens, para sa mag-asawang Carmina at Zoren;
“whenever I see them I always remember their legendary wedding….. mapapa#sanaall talaga”

Nakakamangha nga naman talaga ang pagmamahalan ng mag-asawang Carmina at Zoren, kung saan ay talagang mapapa sana all ang marami, dahil sa walang kupas nilang pagmamahal sa isa’t isa, na animo’y hindi kumukupas ang kilig na kanilang nadarama buhat ng silang dalawa ay magkakilala.




Hindi lang naman ang relasyon ng mag-asawang Carmina at Zoren, ang talaga namang hinahangaan. Dahil maging ang kanilang buong pamilya, lalo na ang samahan nila sa kanilang mga anak, at ang pagkakasundo at pagiging magkalapit ng anak nilang kambal sa isa’t isa, ay huwaran nga ng isang masaya at nagmamahalang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *