Mag Asawang Dani Barretto At Xavi Panlilio Ganito Pala Makitungo Sa Mga Kasambahay

Nakakuha ng paghanga sa mga netizens ngayon ang latest vlog ng mag-asawang Dani Barretto at Xavi Panlilio, ito ay matapos nilang ibahagi sa kanilang vlog ang isang masayang salo-salo ng kanilang maliit at simpleng pamilya sa hapagkainan, kasama ang kanilang mga kasambahay.



Makikita nga sa latest video ng mag-asawa, kung gaano sila kayos makisama sa kanilang mga kasambahay, at kung paano nila itrato ang mga ito na tila miyembro na ng kanilang pamilya.
Image Credit via YouTube
Sa latest vlog na ito ng mag-asawa, ay makikita nga na masayang inanyayahan ni Dani at Xavi, ang kanilang mga kasambahay na samahan sila sa hapag-kainan upang pagsaluhan nila ang inihanda nilang Korean BBQ Meal.
Image Credit via YouTube
Mas naging masaya pa nga ang naging salo-salo nila sa kanilang Korean BBQ meal, ng habang kumakain, ay naisipan nilang maglaro ng isang ‘question and answer’ portion para sa kanilang mga kasambahay.
Image Credit via YouTube
Mapapanood nga sa Korean BBQ ‘mukbang” video ni Dani ang naging masaya nilang Q & A portion. Una kang naging katanungan ni Dani sa kanyang mga kasambahay ay kung “Sinong mas maingay?” na agad naman sinagot ng mga ito na, “Ah, si Ma’am yan.”
Image Credit via YouTube
Sa naging kasagutan ngang ito ng mga kasambahay, ay talaga namang natawa nag mag-asawa, dahil sa tunay nga naman ang sagot ng mga ito. Sumunod na ang itinanim ay kung “Sino ang palautos?”, na kaagad namang sinagot ng kasambahay nilanh si Cherry na “si Ma’am.’
Image Credit via YouTube
Sa naging kasagutan nga ni Cherry, ay ibinahagi naman ni Yaya Rose, kung bakit para sa kanila ay palautos si Dani, at ito nga dahil sa kapag nagluluto ito ay kinakailangan nito ng makakatulong sa kusina, lalo na sa paghihiwa ng mga ingredients na gagamitin nito.
Image Credit via YouTube
Nang tanungin naman ni Dani kung sino ang mabait sa kanilang mag-asawa, ay ikinagulat nito ng ang naging sagot ni Yaya Rose ay si Xavi.
Image Credit via YouTube
“Hindi ako mabait?”, ang naging pabirong tanong ni Dani, sa kanyang mga kasambahay.
Agad na ang nagpaliwanag ng isa bilang kasambahay na si Cherry, sa naging kasagutan ni yaya Rose. At maging si Yaya Rose, ay pinaliwanag din ang kanyang sagot.
Image Credit via YouTube



“Hindi naman naming sinabi na hindi ka mabait. Si Ma’am Dani mabait. What you see, is what you get sa kanya, ganun lang”, ang naging saad ni Cherry. “Si Ma’am Dani, mabait siya pero moody”, saad ni yaya Rose, na sinang-ayunan naman ng asawa ni Dani na si Xavi.
Video Credit: Dani Barretto/YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=-JM2m-dlDFs&feature=emb_logo
Ayon naman kay Dani, ay malaki ang pasasalamat niya sa kanyang mga kasambahay, dahil sa kabila ng hindi makauwi ang mga ito sa kani-kanilang pamilya, ay masaya pa rin ang mga ito na nagtatrabaho sa kanila. Ano ang masasabi niyo sa tila bonding ng mag-asawang Dani at Xavi, sa kanilang mga kasambahay?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *