Mag-Asawang Doktor Proud Na Proud Sa Kanilang Tatlong Anak Dahil Sa Pagiging Top Sa Physician Board Exam

Isa sa mga hangad ng mga magulang ay ang bigyan ng maganda at mataas na edukasyon ang kanilang mga anak. Kaya naman kung talagang kaya na mapag-aral ang mga ito sa isang maganda at maayos na paaralan na mayroong maganda at mataas na kursong kukunin, ay ginagawa ito ng isang magulang dahil batid niya na isa ito sa magiging daan upang maging maganda ang kinabukasan ng kanyang mga anak.




Nabibilang naman sa mga matataas na kurso sa kolehiyo na may magandang karera naghihintay kapag natapos ito at naipasa sa board ay ang kursong medisina. Ngunit batid natin na hindinga naman madali ang pag-aaral nito, dahil maliban sa napakarami ang dapat kabisaduhin ay mahabang taon rin ang ginugugol para matapos ang kurso na ito.

Image Credit via Google

Mayroon din itong board exam kaya naman talagang masasabi natin na hindi madali ang maging isang ganap na doktor.

Image Credit via Google

Sa kabila ng napakahirap na pag-aralan ang kursong medisina ay marami pa rin ang nagnanais na maging isang doktor, at nagsusumikap nga na matupad ang pangarap nilang ito hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para na rin magbigay serbisyo sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong at pangangalaga ng isang indibidwal na may kaalaman sa panggagamot at medisina.

Image Credit via Google

Samantala nito lamang nakaraan ay may nag-viral na isang pamilya matapos ibahagi ng padre de pamilya nila ang kuwento patungkol sa pagiging doktor nilang lahat na miyembro ng kanilang pamilya matapos ngang sumunod sa kanilang yapak mag-asawa ang tatlo nilang mga anak.

Image Credit via Google

Ayon sa naging ulat si Doctor Eric Peralta, siya at kanyang misis ay parehong mga doktor, at sa kanya ngang Facebook post ay ibinahagi niya kung gaano sila ka-proud ng kanyang asawa sa kanilang tatlong anak dahil maging ang mga ito ay mga ganap ng doktor ngayon matapos nga ang naging pagsusumikap ng mga ito na makapag-aral at makapagtapos sa kursong medisina.

Image Credit via Google

Ang bunso ng mag-asawa na si Federico Adriano Peralta ay nagtapos ng kursong medisina nito sa Unibersidad ng Santo Tomas at noon ngang taong 2019 ay kabilang ito sa mga nakapasa at naging top sa Physician Licensure Exam matapos nitong makakuha ng rating na 90.92%.

Image Credit via Google

Dagdag pa ni Doc Eric, maging ng magtapos ang bunso sa pag-aaral nito ay nagbigay karangalan din ito sa kanila, dahil naging Magna Cum Laude ito noong 2014 sa BS Medical Technology (BSMT) at Summa Cum Laude at Valedictorian ng Batch 2018 ng ito nga ay nag-aaral na ng medisina.

Image Credit via Google

Hindi nga lamang ang bunsong anak ng mag-asawa ang kahanga-hanga dahil maging ang mga nakatatandang kapatid nito ay mga top natcher din sa Physician Licensure Examination.

Ang nakatatandang kapatid na babae ni Federico na si Ana Bianca Eloise na siya ngang panganay sa mga anak ng mag-asawang doktor, ay nagtapos rin bilang Cum Laude sa BSMT taong 2010 at taong 2014 naman ay naging Magna Cum Laude ito sa kursong medisina. Top 6 naman ito sa ginanap na Physician Board Exam noon taong 2015.

Si Ana Eryka Elaine naman ang pangalawa sa magkakapatid na anak nina Doc Eric, ay isa ring Magna Cum Laude noong taong 2012 sa BSMT at Magna Cum Laude sa medisina noong taong 2016. Nakakabilib pa dahil taong 2017 ay nag top 5 ito sa Physician Borad Exam.




Wala ngang mapagsidlan ng kaligayahan at pagiging proud ang mag-asawa dahil ang kanilang tatlong mga anak ay panay mga lisensyadong dokto na rin tulad nila, at handa ngang sundan ang kanilang yapak na magbigay lingkod at serbisyo bilang isang doktor sa ating bayan.

Ang mas lalo pa ngang ikinaliligaya nina Doc Eric at ng kanyang misis ay ang naipamana nila sa kanilang mga anak na sina Bianca, Eryka at Eric ang pagkakaroon ng mabuting kalooban at layunin na makatulong sa mga taong nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *