Mag-asawang Gladys Reyes At Christopher Roxas Masaya At Sweet Na Nag Bonding Sa Tagaytay

Isa nga ang pagba-bonding ng pamilya ang talaga namang nagawa ng marami sa atin ng magkaroon ng community quarantine dahil sa krisis na kinakaharap natin ngayon.



Sa naging pananatili nga natin sa loob ng ating tahanan sa nakalipas na mga buwan ay ginagawa natin ang ilan sa mga masasama at simpleng “family bonding” kasama ang aking pamilya, tulad nga ng pagluluto, pag be-bake, panonood ng mga movies, pag-aalaga ng halaman, paglilinis ng bahay, o at maging ang pangre-relaks at pagpapahalaga.
Photo Credit: iamgladysreyes/Instagram
Sa kabila nga ng maraming mga bonding moments na maaari nating magawa sa loob ng ating mga tahanan, ay talaga namang hindi maiaalis sa atin ang makaramdam ng pagkabagot at ma-miss ang mamasyal sa labas na nakasanayan nating gawin noong hindi pa nagkakaroon ng krisis.
Photo Credit: iamgladysreyes/Instagram
Kaya naman noong nabigyan na ang marami sa atin ng pagkakataon na makalabas ng tahanan, ay talaga namang marami na sa atin ang nagsimulang puntahan ang mga lugar na nais niya kasama ang kanilang pamilya, o di kaya naman ay mga kaibigan.
Isa na nga sa mga taong labis talagang nasiyahan ng payagan ng malakabas ay ang aktres na si Gladys Reyes.
Photo Credit: iamgladysreyes/Instagram
Sa social media account ng aktres, ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng mga larawan ng masayang pamamasyal niya kasama ang kanyang asawa at ilan nilang mga kaibigan sa napakagandang lugar ng Tagaytay.
Makikita rin mga larawan ng mag-asawa na talaga namang very sweet at tila mas lalo pa ngang tumatamis ang kanilang pagmamahalan sa tagal ng panahon na sila’y magkasama.
Photo Credit: iamgladysreyes/Instagram
“K Drama feels… After months of isolation, glad to have a break and spend some couple time with my bebe @christoperroxas and friends. Great accommodation, good food and view! We’re all recharged!
“P.S The dress I’m wearing was my dress 25 years ago, glad it still fits me. Transparent wedge from @gibishoes #taalvistahotel #ourhomeintagaytay
Ibinahagi rin nga ni Gladys, na talaga namang napakasaya niya sa naging pamamasyal nila sa Tagaytay, dahil nga sa kasama niya rito ang kanyang mister at ang mga kaibigan nila.
Hindi nga lang napakagandang view ng Tagaytay ang talagang masarap puntahan sa lugar, kundi maging ang masarap na mga pagkain dito.
Napamangha naman ang ilang mga netizens, ng sabihin ni Gladys na ang kanyang suot na damit, ay 25 years na ng huli niyang isuot, ngunit ngayon ay talaga namang fir na fit pa rin sa kanya.



May ilan namang mga tagahanga ng mag-asawa ang nagbigay ng kani-kanilang mga komento sa post ng aktres,kung saan ay talagang para sa kanila ay isa ang mag-asawa sa best true to life loveteam talaga.
“@07melove: Wow bagets na bagets pang kdrama” “@applechikdoll: The best true to life Loveteam!” “@jdt_ph: Wow parang Mara Clara days pa rin kayo Ms. Gladys and Mr. Christoper.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *