Mag-asawang Ice Seguerra At Liza Dino Mas Lalong Tumitibay Ang Relasyon Dahil Sa Anim Na Taong Pagsasama

Ika-8 ng Disyembre ang 6th wedding anniversary ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Dino, kung saan ay marami umano sana silang pinaplano na gawin sa selebrasyon nila, ngunit kahit isa sa mga ito ay hindi naituloy ng mag-asawa.




Isa umano sa mga balak nina Ice Suguerra at Liza Dino, sa kanilang ika-6 na wedding anniversary ay ang pagpunta nilang dalawa sa Tagaytay para doon ito ipagdiwang, ngunit dahil sa hindi maiwasang pangyayari ay hindi na natuloy pa ang plano na ito ng mag-asawa.

Photo Credit: iceseguerra/Instagram

Matatandaan na sina Ice at Liza, ay ikinasal noong buwan ng Disyembre taong 2014 sa bansang Amerika, kung saan sa nasabing bansa, ay malayang magpakasal ang same sex couple o kung tawagin nga ay “same sex marriage.”

Photo Credit: iceseguerra/Instagram

Sila ay muling ikinasal sa Pilipinas, na ginanap naman noon sa probinsiya ng Batangas, kung ilan mga kapamilya at kaibigan ng dalawa ang dumalo.

Photo Credit: iceseguerra/Instagram

Sa Instagram account ng award-winning OPM singer-writer na si Ice Seguerra ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng kanyang larawan habang kasama ang kanyang asawa na si FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chiairperson Liza Dino, at kalakip nito ay ang kanyang pagsasaad kung bakit hindi natuloy ang mga plano nila para sa kanilang ika-6 wedding anniversary.

Photo Credit: iceseguerra/Instagram

“Six years na kaming mag-asawa!”, ang naging panimula ng ani Ice sa kanyang caption.
“May plano kami na mag-Tagaytay yesterday ‘til today para makapagromansa kaso kailangan namain magshoot.

Photo Credit: iceseguerra/Instagram

“So, nagpabook siya today sa Shang BGC para maituloy ang date, kaso may napakaimportanteng meeting with Korean Film Council so we had to rebook. In short, ni isa sa mga plano naming hindi pa natutuloy”, paliwanag nga ng singer-writer.

Photo Credit: iceseguerra/Instagram

“What happened today sums up our life together. Napakarami naming mga plano na hindi pa natutuloy because something got in the way.

Photo Credit: iceseguerra/Instagram

“From the smallest travel boo-boos to having a baby. Siguro, kung iba yan, nag-away na. That’s what I love about our relationship; kahit ano man ang dumating naiiba man ang plano paminsan minsan, we go through it together.

Photo Credit: iceseguerra/Instagram

“Situations change all the time kaya I’m just blessed na magkasama kami para harapin ang bawat pagbabago na dumarating nang bukas ang puso at isipan.

“We have learned to accept and actually find ways to enjoy and make the most out of all the changes that come our way. It takes a special person to do that…. And I’m glad she’s my wife”, ang naging lahad nga ni Ice Seguerra.

At dahil nga marami ang naging dahilan para mapurnada ang lahat ng mga plano nila para ipagdiwang ang kanilang ika-6 wedding anniversary, ay mas pinili na lamang ng mag-asawa na sa loob na lamang sila ng bahay mag-celebrate.




Ibinahagi nga ni Liza, na sa naging pag-celebrate nila sa bahay ng kanilang anniversary ay si Liza ang nagluto ng kanilang kakainin. At bago naman matapos ang kanyang post, ay isang matamis na pagbati ang inilaan nito sa asawa.

“Ngayon, nasa labas siya para bumili ng steak, ipagluluto daw niya ako. ‘Yun pa lang bawing bawi na. Steak night ala Liza Dino-Seguerra, walang panama ang Tagaytay at Shang BGC diyan . best date night ever!” “Happy anniversary my dearest wife. Ikaw lang… sapat na”, ang naging mensahe ni Ice para kay Liza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *