Mag-asawang John Prats at Isabel Oli Naghanda Ng Isang Selebrasyon Para Sa ika-2nd Birthday Ng Kanilang Anak Na Si Freedom

Isang selebrasyon ang inihanda ng mag-asawang Isabel Oli at John Prats, para sa kanilang anak na si Freedom sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-2 taong gulang na kaarawan, nito lamang araw ng Lunes, ika-14 ng Disyembre 2020.




Sa kanilang Instagram account, ay makikita ang naging pagbabahagi ng mag-asawang John at Isabel ng mga larawan na kuha sa naging selebrasyon ng kaarawan ng anak nilang si Freedom, kung saan ang birthday party nito ay may temang “Over the Moon.”

Photo Credit: isabeloliprats/Instagram

Si Freedom, ay isa sa tatlong anak nina John Prats at Isabel Oli, at ito rin ang nag-iisang lalaki sa kanilang mga anak. Ito ay tumuntong na sa ika-2 taong gulang nito noon pang ika-25 ng Nobyembre 2020, ngunit ang pagdiriwang ng kaarawan nito ay naganap nga lamang noong ika-14 ng Disyembre.

Photo Credit: isabeloliprats/Instagram

Samantala, isang mensahe naman para sa anak niyang si Freedom ang inilaan ni Isabel Oli, para sa kaarawan nito, kung saan ay tinawag niya ang anak na “not so little boy.” Mararamdaman rin na naging mensahe ni Isabel, ang labis na pagmamahal niya sa kanyang anak.

Photo Credit: isabeloliprats/Instagram

“This not-so-little boy never fails to make us giddy. He always has the certain charm to melt our hearts. He may seem though on the outside but he has the sweetest, wittiest and most loving heart. He loves creating his own words or shall we say he has his own vocabulary.

Photo Credit: isabeloliprats/Instagram

Isn’t he adorable? Saad nga ni Isabel sa unang bahagi ng kanyang mensahe sa anak.”
“I pray that God will always bless him, protect him, and give him Godly wisdom as he grows. And I pray too, that he will be a MAN after God’s own heart. I love you forever bochok.

Photo Credit: isabeloliprats/Instagram

Happiest birthday to you, my son, @FreedomPrats”, dagdag pa ni Isabel.
Dahil naman sa naka-lock in taping si John Prats ngayon, sa kanyang kinabibilangan na action-drama series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsiyano, ay hindi nito kasama ang pamilya sa pagdiriwang ng ika-2 taong gulang na kaarawan ng anak niyang si Freedom,

Photo Credit: isabeloliprats/Instagram




ngunit sa kabila nito ay pangako naman ng aktor, na sa oras na siya’y makauwi pag natapos ang kanyang lock-in taping ay babawi siya sa pamilya, lalo na sa kanyang anak.

Narito naman ang naging mensahe ni John Prats para sa anak na si Freedom;“Happy happy birthday sa aking only boy @freedomprats.” “Mahal na mahal kita anak.. Promise babawi ako pag-uwi ko.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *