Ang buhay ng mag-asawa ay tunay namang mas matatawag na kumpleto at isang buong pamilya kapag sila ay nabiyayaan ng mga supling o anak. Para nga sa ilan, ang pagkakaroon ng anak ay isa sa mga pangarap na minimithi nila sa kanilang buhay, lalo na nga sa mag-asawa dahil sa ito din ang mag magbubuklod at magbibigay kulay pa ng kanilang pagsasama.
Sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo ay isa lamang sa mga celebrity couple na binigyan ng pagkakataon na maging mga magulang, ito ay dahil matapos nga nilang maikasal ay nabiyayaan din naman kaagad sila ng dalawang anak na siya ngang nagbibigay saya at galak sa buhay nilang mag-asawa. Tunay namang ang kaligayahan na naibibigay sa kanila ng dalawa nilang anak ay tunay na hindi mapapantayan ng kahit ano man.

Samantala, kamakailan lamang sa Instagram ni Kaye ay ibinahagi niya ang larawan ng kanyang dalawang anak na lalaki na sina Joaquin at Inigo, kung saan sa naturang larawan ay masisilayan nga ang pagiging close ng magkapatid dahil sa habang ang mga ito nga ay nakahiga ay magkayakap pa ang mga ito sa isa’t isa at nakangiti bakas nga ang kasayahan na magkasama silang dalawa sa ganoong pagkakataon.

Isang maikling caption naman na “Priceless” ang inilakip ni Kaye sa larawan, kung saan tila nga ang ibig sabihin ng aktres ay wala ngang katumbas ang kasiyahan niya na makita ang dalawa niyang anak na malapit sa isa’t isa.

Sa mga larawan naman ng magkapatid ay makikita nga ang malaki nilang pagkakahawig sa isa’t isa at hindi maipagkakaila na ang taglay nilang kagwapuhan ay namana nila sa kanilang mga magulang na sina Kaye ay Paul Jake na pareho naman talagang maganda at gwapo.

Kapansin-pansin pa nga na ang magkapatid ay parehong may pagka chinito, at masasabi nga na ang mga mata ng mga ito ay namana nila sa kanilang amang si Jake dahil sa chinito nga ang mata nito.
Marami namang mga netizens ang agad na kinagiliwan ang larawan na ito ng anak ng mag-asawang Kaye at paul Jake, at ang iba nga ay nagbigay pa ng komento dahil sa kanilang katuwaan na makita ang ganitong priceless moment ng magkapatid.
Ilan nga sa mga komento ng mga netizens ay, “The Best ❤ ❤ <3”, Ku kyut [red heart emoji]”, “Mga gwapito, intsik boys”, “sibling love”, “adorable kids” at marami pa ngang iba.