Mag-asawang Lucy Torres at Richard Gomez May Simpleng Pamumuhay Sa Probinsya

Isa sa mga hinahangaang mag-asawa sa industriya ngayon ay ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres. Si Lucy Torres ay isa sa mga represetentative ng fourth district at marami ang humahanga sa kanya dahil sa kabila ng pagkakaroon niya ng asawa’t anak ay napanatili niya ang pigura ng kanyang katawan at lalong lalo na ang kanyang kagandahan na kung iyong titignan ay parang hindi tumatanda at nagkakaedad.

Photo Credit: richardgomezinstagram/Instagram




Si Richard Gomez naman ay hinahangaan ng marami sa kanilang angking kagwapuhan at bilang isa sa magagaling na aktor nung kanyang kapanahunan. Ang pamilya ni Richard at Lucy kasama nag kanilang nag-iisang anak na babae ay nagbakasyon sa Oroc City noong nakaraang holiday season, kung saan ay naroroon ang tahanan ng magulang ni Lucy na kanyang kinalakihan.

Photo Credit: richardgomezinstagram/Instagram

Sa kanyang instagram post ay masayang ibinahagi ni Lucy ang mga larawan na kuha sa kanilang tahanan at bakuran sa Ormoc. Ang mga larawan ay may caption na
“The last afternoon of the decade. Spent quietly and at home in Ormoc City when I grew up.”
“I wrote out more Christmas cards, made friends with the chickens and geese in our backyard, enjoyed the warmth of blue skies and a yellow sun.”

Photo Credit: richardgomezinstagram/Instagram

“When Dusk settled my brothers Matt and Jules came by out for a it, talking about nothing and everything, while I filled out random pages of a little book I’ve had forever.”
“Cheers to the New Year. And may the coming decade be gentle and kind, and many shades of wonderful.”

Photo Credit: richardgomezinstagram/Instagram

Masaya at simple ngang ipinagdiwang ng pamilya nina Lucy at Richard anong holiday sa Ormoc, kasama ang kapatid at mga magulang ni Lucy. Sa mga larawan na ipinost ni Lucy sa kanyang instagram ay makikita ang kanilang simpleng pamumuhay sa probinsya ng Ormoc. Makikita ang larawan nilang mag-asawa na masayang nagpapakain ng mga manok na alaga sa bakuran ng magulang ni Lucy.

 

View this post on Instagram

 

While at home today. Lipay akong mga bisayang manok. Pabo ug gangsa. #akongkinabuhisaprobinsya

A post shared by Richard Gomez 🇵🇭 (@richardgomezinstagram) on

Ang mga magulang ni Lucy Torres na sina Manuel “Manoling” torres Jr. At Julie Martinez ay nag,may-ari ng malapad na lupain sa Ormoc kabilang na ang isang plantasyon ng asukal roon.




Ang kanilang tahanan ay may napakagandang kapaligiran na kung saan ay may lugar na maaaring pagdausan ng mga handaan o pagdiriwang. Sina Lucy at Richard naman ay nakatira sa isang mamahaling subdivision sa Ormoc, sa Carlota Hills.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *