Mag-asawang Manilyn at Aljon Jimenez Masayang Ipinagdiwang Ang Kanilang Wedding Anniversary Sa Japan

Sa buhay mag-asawa ay isa sa pinakamahalagang araw na hindi dapat nililimutan ay ang araw na kung kailan tayo ay nagsumpaan sa isa’t-isa. Kaya’t isa sa mga kaugalian ng karamihan sa atin ay talagang ipinagdiriwang o binibigyan ng simpleng selebrasyon man lang ang araw na ito na sinasabi nating “wedding anniversary”.

Photo Credit: manilynreynes27/Instagram




Sapagkat sa pag-alaala ng araw na kung kailan kau ikinasal ay muling nanunumbalik sa bawat isa ang sumpaan na iyong sinabi sa isa’t isa na mas lalong nagpapatibay sa pundasyon ng inyong pagsasama bilang mag-asawa.

Photo Credit: manilynreynes27/Instagram

Ang mag-asawang Manilyn at Aljon Jimenez ay kilala bilang isa sa mga showbiz couple na talagang ang pagsasama ay pinagtibay na ng panahon. Nagsimula ang lovestory nina Manilyn at Aljon ng silang dalawa ay maging magkatambal sa ilang pelikula.

Photo Credit: manilynreynes27/Instagram

at ang kanilang tambalan ay nauwi sa seryosohan hanggang sa natuloy na nga ito sa kasalan. Bunga ng kanilang pagmamahalan ay mayroon ng tatlong suplinng na mga lalaki ang mag-asawang Manilyn at Aljon.

Photo Credit: manilynreynes27/Instagram

Nitong nakaraang January 3 ay muling nagbagi ang aktres na si Manilyn Reynes ng kanilang larawan ng kanyang asawa sa kanyang social media, na kung saan ay nakasaad dito na silang dalawa ay nag-cecelebrate ng kanilang wedding anniversary.

Photo Credit: manilynreynes27/Instagram

Ang mga larawang ibinahagi ni Manilyn ay mga larawan nila ng kanyang asawa kasama ang kanilang tatlong anak na lalaki ng naging bakasyon nila sa bansang Japan na kung saan ay kasabay ng bakasyon na ito ay ginugunita rin ng mag-asawa ang anibersaryo ng kanilang kasal. Ang mga larawan ay may caption na

Photo Credit: manilynreynes27/Instagram

“Part po ng trip na ito ay ang selebrasyon ng wedding anniversary namin ni Aljohn, very thankful po kami kay God sa aming 3 admirable boys.” Makikita sa mga larawang ito ang isang masayang pamilya na puno ng pagmamahal sa isa’t isa, ganun din ang sweet na sweet na pagsasama ng mag-asawang Manilyn at Aljohn na nag cecelebrate ng kanilang wedding anniversary.




May mga netizens naman na nagbigay ng kanilang mga komento sa larawang ibinahagi ni Manilyn, ilan sa mga ito ay “Happy anniversary sa inyo….grabe gwapo ng mga boys mo po,…God bless always… “Happy Anniversary both of you idol….Nakakabilib nga naman ang pagiging matibay ng relasyon at pagsasama ng mag-asawang Manilyn At Aljohn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *