Richard Gomez at Lucy Torres Ibinunyag Ang Dahilan Kung Bakit Wala Pang Kapatid Ang Kanilang Anak Na Si Julianna

Mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres, ibinunyag ang kanilang dahilan kung bakit hindi na nagkaroon pa ng kapatid ang kanilang anak na si Julianna Sadya nga naman na napakabilis ng paglipas ng oras at panahon. Hindi natin namamalayan na ang ating mga anak na noon ay sanggol pa lamang sa ating mga paningin, unti-unti na lang natin nakikita at namamalayan na silay malalaki na at ganap ng mga binata at dalaga.

Photo Credit: gomezjuliana/Instagram




Yung mga anak na noon ay iniingatan mo sa mga maliit at malaking bagay na pwedeng magkasakit sa kanila, ngayon ito ay kanila ng nakakaya na harapin ng mag-isa.

Photo Credit: gomezjuliana/Instagram

Isa sa mga anak ng celebrity nga ang hindi natin namamalayan ay isa na palang ganap na dalaga. Si Juliana Gomez, na anak ni Richard Gomez at Lucy Torres ay ipinagdiwang na ang kanyang ika-18 kaarawan. Ipinagdiwang ni Julianna ang kanyang ika-18 kaarawan sa Bench Tower sa Bonifacio Global City, at ito ay may theme na Disco-themed Dance Party.

Photo Credit: gomezjuliana/Instagram

Mahigit sa 200-daan na mga kaibigang kadalagahan at kabinataan ni Julianna at dumalo sa nasabing pagdiriwang. Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ito ni Julianna, ay marami naman sa mga tagahanga ng mag-asawang Richard at Lucy ang nagtatanong at nagtataka kung bakit sa hinaba-haba ng taon ng sila ay mag-asawa at ngayon nga na ganap ng isang dalaga si Julianna ay hindi na ito muling nasundan pa at nagkaroon ng kapatid.

Photo Credit: gomezjuliana/Instagram

Ang katanungan namang ito ay sinagot ni Lucy Torres sa kanyang instagram kung saan ay nag post si Lucy ng; “When she was little, and we say our bedtime prayers together, I would ask her to help me pray for a baby brother or sister for her. She would listen intently, wide-eyed, nodding as if in agreement, then she would break into smile and say gently and firmly, Mama dog na lang.”

Photo Credit: gomezjuliana/Instagram

Sa naging pahayag nga na ito ni Lucy sa kanyang Instagram ay malinaw na si Julianna mismo ang ayaw na magkaroon pa siya ng kapatid. At kahit pa nga lumaking solong anak si Julianna, ay hindi naman itong lumaki na malungkot dahil napapalibutan si Julianna ng napakaraming kaibigan.

Noong buwan ng Agosto sa isang naging panayam ng PEP kay Lucy Torres na ngayon ay isa ng kongresista ay sinabi nito sa naturang interview na “She’s like her dad, eh. She’s really big on friends. I see the wisdom in that because through the years, the one who have become like family to us are really from Richards wide network of friends. He has [friends] from when he was small. He doesn’t end friendship.”

Sa panayam ngang ito ay sinabi ni Lucy na napakaraming kaibigan ng kanyang anak, na ito ay katulad ng ama nitong si Richard. Ibinahagi din ni Lucy na noong mga nakaraang taon ay nagsabi sa kanya si Julianna na, solo at nag-iisang anak siya pero ang banyo nito ay halos nasa labing-sa (11) ang toothbrush na naroon dahil umano ang mga kaibigan ni Julianna na babae ay laging nag sleepover sa kanila.

At aminado si Lucy na masaya siya kapag naroon ang mga kaibigan ng kanyang anak, dahil kapag naroon ang mga kaibigan nito ay napupuno ang kanilang tahanan at minsan ang mga ito pa ang nagluluto at nag bake.




Bilang anak ng dalawang mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz, ay mas pinili naman ni Julianna na mamuhay sa likod ng camera, ngunit kahit ganun ay ang kanyang mga magulang na si Richard at Lucy ay ibinabahagi pa rin sa publiko ang mga kaganapan sa buhay ng kanilang nag-iisang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *