Mag-asawang Robin Padilla At Marielle Rodriguez Binago Ang Itsura Ng Kanilang Tahanan At Ginawang Giant Play House

Ilan sa ating mga celebrity ay ipinapakita sa kanilang mga tagahanga ang kanilang naipupundar, katulad ng negosyo, bahay, sasakyan o kahit ang mga bagay at activities na kanilang ginagawa dahil ito ay isa sa mga bagay na nagpapasaya sa kanila.

Image Credit via Google




May mga celebrities tayo na open pagdating sa kanilang buhay pamilya, isa na dito ang mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla. Ang mag-asawa ay isa sa mga kilala at sikat na personalidad sa showbiz industry ng ating bansa, si Robin ay isang batikang aktor at si Marielle ay isa sa mga kilalang TV Host.

Image Credit via Google

Sa simula pa lang na magsimula ang love story ng mag-asawa ay hindi na nila ito itinago sa publiko, hanggang sa kanilang pagpapakasal at sa pagkakaroon ng kanilang anak ay naging open sila sa kanilang mga tagahanga kaya’t mas lalo pa silang hinahangaan ng mga ito.

Sa kanyang Instagram account ay laging nagbabahagi si Marielle ng mga journey ng kanilang anak na si Isabella, at nitong nakaraan nga ay ibinahagi niya ang ginawa nila ng kanyang asawa para sa anak. Ang bahay nila ay ginawa nilang isang kidz zone playground na safe para sa mga bata lalo na sa kanilang anak.

Image Credit via Google
Image Credit via Google

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Marielle na ang kanilang bahay ay naging isang malaking playground, makikita sa labas ng bahay ang isang playground na kung saan ay may slide na may malaking palaruan.

Image Credit via Google

Sa loob naman ng kanilang bahay ay ang iba’t ibang ng kagandahan at naglalakihang laruan ang makikita, may malaki ditong rocking horse at isang malaking indoor/outdoor kids house.

Image Credit via Google

Ayon kay Marielle ay ang kanyang asawang si Robin ang halos gumawa upang maging isang safe playground ang kanilang bahay para sa kanilang anak at sa mga magiging kalaro nito. Tumulong din umano ang ibang staff nila upang mapadali ang pagawa ng naturang playground.

Image Credit via Google

“Our big bonus was he brought the big playground over so Isabella could have playdates.” Saad ni Marielle.

 




Sa kabilang banda naman ay nagpost din ang aktor na si Robin Padilla sa kanyang Instagram, ayon sa aktor ay masaya siya na nakikita ang kanyang anak at mga kalaro nito na makapaglaro ng masaya at maayos sa ginawa niyang playground. Ayon pa din sa aktor ang slide na nasa kanilang bahay ay hindi lamang pang kids kundi pang adults din.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *