Mag Asawang Rocco Nacino At Melissa Gohing Ikinuwento Ang Mga Nadiskubre Nila Sa Isa’t Isa

Halos tatlong buwan na nga ang lumipas matapos ikasal nina Rocco Nacino at Melissa Gohing sa isa’t isa, kaya naman sa mga buwan na ito na sila’y magkasama na nga sa iisang bubong, ay mas marami pa silang nadiskubre sa bawat isa.




Noon nga lamang buwan ng Enero ng kasalukuyang taon ng ikinasal ang mag-asawa, at ayon nga kay Rocco matapos ang kanilang kasal, ay marami siyang nadiskubre sa kanyang sarili, at ganun din sa kanyang misis na si Melissa.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Nang maging ‘guest’ nga ang mag-asawa sa programang ‘Sarap Di Ba?’, ay ibinahagi ng dalawa, kung ano ang mga nadiskubre nila sa isa’t isa ngayon na sila’y magkasama na sa iisang bubong.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Ikinuwento rin ni Rocco, na hindi niya maipaliwanag ang kaligayahan na kanyang nararamdaman ngayon na gumigising siya na si Melissa na ang una niyang nasisilayan pagmulat ng kanyang mga mata.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

“It’s really, really different. Iba talaga yung feeling. Kasi everyday makikita mo siya paggising mo, araw-araw may bagong discovery, may bagong lesson in life”, ang naging pahayag ni Rocco.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Dagdag pa ni Rocco, “We finally saw how each other sleeps, magkasama kami mag-CR, magkasama kami maligo. Ganun na ang buhay mag-asawa. It’s so much fun kasi every day is another opportunity for us to learn more about each other.”

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Maliban pa dito, ay ibinahagi rin ni Rocco, na may mga hinaharap rin silang ‘challenge’ mag-asawa, at ito nga ay ang pagtatrabaho nila sa panahon ng krisis, dahil sa may mga pagkakataon na matagal silang hindi nagkakasama.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Chika pa ng aktor, kung noon ay mas nais niya na nasa labas siya ng kanyang tahanan, ngayon naman ay gustong-gusto niya ang umuwi lalo pa’t ngayon nga ay mayroon na siyang misis na dadatnan sa kanyang tahanan.

Ayon naman kay Melissa, sa kabila ng pagiging busy nila minsan ni Rocco sa kani-kanilang trabaho, ay pinipili naman nilang intidihin at suportahan ang isa’t isa, pero hindi naman talaga mawawala sa kanilang mag-asawa, na kapag matagal silang hindi nagkikita at nagkakasama ay talagang nami-miss nilang ang isa’t isa.

Inamin naman nina Rocco at Melissa na sa ngayon nga ay wala pa silang balak na magka-anak, ito nga ay sa kabila na gusto na ng aktor na magkaroon ng baby.




Ipinaliwanag naman ng aktor, na nais niya munang pagbigyan sa asawang si Melissa ang gusto nito na magtrabaho pa. At kung naramdaman na nga ng kanyang misis na handa na ito mag-baby, at sapat na ang nagawa nitong trabaho, ay saka na sila bubuo ng kanilang pamilya.

“Ako ‘yung may gustong magka-baby agad. Si Mel ang gusto pang magtrabaho.”
“Sa akin naman, ayoko lang ng may regrets, I want to give her that, kapag talagang sawa na siya sa volleyball and she feels na sapat na ‘yung nabigay niya to the sport, doon na kami magbabalak mag-family.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *