Mag-Asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina Binigyang Surpresa Ang Kanilang Kasambahay

Isa sa mga celebrity couple na popular at hinahangaan ngayon ay ang mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina, ito ay hindi lamang dahil sa pinapakita nilang pagmamahal sa sa isa’t isa kundi batid ng marami sa atin na parehong may mabuting puso ang mag-asawa.



Marami na ngang pagkakataon na napag-usapan online ang mag-asawang Rodjun at Dianne. Katulad na lamang ng maging trending ang kanilang napakagandang prenup photoshoot, ang kanilang wedding na talaga namang napakabongga at hanggang sa kanilang ipinagawang mansion na hinahangaan ng marami dahil sa laki at moderno nito.
Image Credit via Google
At ngayon, ay muli na naman ngang pinag-uusapan sa online world ang mag-asawa, ito ay dahil sa pagpapakita nila ng kabutihan at pagmamahal bilang kapamilya sa isa sa kanilang kasambahay.
Image Credit via Google
Makikita sa Instagram account ng mag-asawa, ang isang video na kung saan ay isang surpresa ang inihanda nila para sa isa sa kanilang kasamabahay, na ng araw na iyon ay nagdiriwang ng kaarawan nito.
Image Credit via Google
Isang video na may caption na “We Love You Manang Nitz”, ang makikitang ibinahagi sa Instagram account ng mag-asawa.
Image Credit via Google
Mapapanood nga sa video, na isang birthday cake ang hinahawakan ni Rodjun, habang kumakanta ng birthday, na naging dahilan upang magulat at mapaluha sa tuwa ang kanilang kasamabahay na si Manang Nitz na siyang nagdiriwang ng kaarawan nito.
Image Credit via Google
Matapos naman ang awiting Happy Birthday, ay ipina-blow ng Kapuso actor kay Manang Nitz ang birthday candle. Makikita nga sa ekspresyon ng mukha ni Manang Nitz sa video, ang saya na naramdaman nito sa simpleng surpresa na ginawa ng mag-asawa para sa kanyang kaarawan.
Para naman kana Rodjun at Dianne, sa simpleng sorpresa na kanilang ginawa ay nais nilang maramdaman ni Manag Nitz ang kanilang pasasalamat sa pagmamahal at pag-aalaga na ipinaramdam nito sa kanila.
Ipinagpasalamat din ng aktres ang mga bagay na ginawa ni Manang Nitz para sa kanila, lalo na ang pagluluto nito ng masasarap na pagkain. “Thank you for cooking so much food for everybody,” saad ni Dianne.
Samantala, maraming mga netizens na nakapanood ng video ang talagang humanga sa mag-asawa dahil sa kabutihan ng mga ito at kababaan ng loob, may ilan pa nga na humiling na, sana ay makatagpo rin sila ng employer na tulad ng mag-asawang Rodjun at Dianne.

 

View this post on Instagram

 

Successful ang Pag Surprise namin. #TeamILUSTRE

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz) on

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens, sa ginawang surpresa nina Rodjun at Dianne kay Manang Nitz. “The best k, kapatid. Napakataba yung puso mo para sa ibang tao. Blessed ako dahil nakilala kita. God bless you and your family always.”



“Hahahahha grabe yung gulat niya!!! Ang cute!! Happy Birthday po sa inyo.”
“That is how to treat people, family first and then your helper before anyone else.”
“Naiyak ako. Nafeel ko yung saya ni Nanay. Thank you Kuya Rod at Ate Dianne. For Inspiring Us. God Bless po.”
Kahanga-hanga nga naman ang mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina,dahil kahit sa simpleng surpresa na kanilang ginawa para sa kanilang kasamabahay ay nabigyan nila ito ng kasiyahan sa araw ng kaarawan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *