Mag-Asawang Sam Pinto At Anthony Semerad Masayang Ibinhagi Sa Publiko Ang Kasarian At Pangalan Ng Kanilang Magiging Anak

Matatandaan na noong ika-5 ng Mayo taon ng kasalukuyan ng i-anunsyo ng mag-asawang Sam Pinto at Anthony Semerad ang pagdating ng biyaya sa buhay nilang mag-asawa, kung saan ay ipinagbubuntis na nga ni Sam ang magiging panganay nilang anak.

Ang magandang balita nga na ito sa buhay nilang mag-asawa ay ipinarating nila sa publiko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan ni Sam habang ibinibida ang kanyang baby bump kalakip pa ang sonogram ng kanilang magiging baby.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Samantala, nitong nakaraang weekend naman ay muling naglabas ng kanilang latest vlog ang mag-asawang Sam at Anthony, kung saan ay makikita sa kanila ang pananabik nila sa pagdating ng kanilang panganay na anak sa kanilang buhay.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Maliban pa nga sa excitement ng mag-asawa, ay ibinahagi rin nila sa vlog nilang ito ang magiging gender ng kanilang panganay na anak, at kung ano ang pangalan na napisil nilang ibigay dito.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Ayon kay Sam, ngayong nasa 23-weeks na ang dinadala niyang sanggol sa kanyang sinapupunan ay mixed-emotions na ang kanyang nararamdaman. Magkahalong saya at takot nga umano nadarama ni Sam.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

“Ako super mixed emotions kasi after the wedding, after marriage, we were planning to have a baby two years later pa, ‘di ba? Kasi we want to enjoy but got excited. [I’m] happy and scared at the same time”, pahayag ni Sam. Saad naman ni Anthony, “I was excited! That’s it!”

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Ibinahagi naman ni Sam na sa buwan ng Agosto ang magiging kabuwanan ni Sam, at ayon pa sa kanila ay baka maging ka-birthday pa ng kanilang magiging anak ang anak ng kambal ni Anthony na si David Semerad.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

“Baka nga same birthday with his brother’s baby. Baka same time kasi anytime from August 8 tapos na kasi ‘yung 39 weeks ko”, ani Sam. Bago pa man tapusin ng mag-asawa ang kanilang vlog, ay isinapubliko muna nila kung ano ang gender ng kanilang baby, at ano ang napili nilang pangalan nito.

Ang magiging panganay na anak nga nina Sam at Anthony ay isang baby girl, at ang pangalan na kanilang ibibigay dito oras na ito’y maisilang ay ‘Mia’. Inilahad naman nila kung bakit ito ang pangalan na napusuan nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Pinto – Semerad (@sampinto_)

“Because we really love the ocean. Mia is queen of the ocean, so it’s perfect name. And Aya, it’s a very luck name. Siyempre we want her to be lucky”, pahayag pa ni Sam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *