Magandang Aktres Na Si Arci Muṅoz Isa Ng Ganap Na “Sergeant” Ngayon Ng Philippine Air Force Reserve Command

Bawat mamamayan nga naman ay may kanya-kanyang paraan upang magsilbi sa bayan. Kung ikaw ay isang simpleng mamamayan lamang, ang iyong simpleng pagsunod sa patakan ng gobyerno at pagiging responsableng mamamayan ay isa ng maituturing na pagsisilbi at malaking ambag na sa ating bayan.




Para naman sa iba, ang pagpasok at pakikilahok sa iba’t ibang organisasyon na naglilingkod para sa ikabubuti ng pamayanan ang kanilang nakikitang paraan upang sila ay makakatulong at makapag silbi sa ating bayan.

Photo Credit: munoz_arci/Instagram

Ang isa nga sa halimbawa nito ay ang napakagandang aktres na si Arci Muṅoz. Si Arci ay talaga namang hinahangaan ng marami dahil sa kanyang ipinakikita ng husay sa pag-arte, lalo na sa mga pelikula at teleserye na kanyang ginawa at aking napanood sa telebisyon.

Photo Credit: munoz_arci/Instagram

Ngunit maliban nga sa pagiging isang mahusay na aktres, ay hinahangaan na rin ngayon si Arci, dahil siya’y isa na rin sa mga masigasig at masipag na tagapaglingkod ng ating bayan.

Photo Credit: munoz_arci/Instagram

Ngayon nga ay isa ng “sergeant” ang aktres ng Philippine Air Force Reserve (PAFR) Command na naglilingkod na rin sa Air Force ng ating bansa.

Photo Credit: munoz_arci/Instagram

Matatandaan na ibinahagi ng aktres sa kanyang social media account ang kwento ng naging pagpasok at pagsasanay niya sa PAFR. At ngayon nga ay talaga naman ay makikita na talagang nagbunga na ang naging pagsasanay ng aktres, dahil noong ika-25 ng Oktubre ay na kumpleto na niya ang Basic Citizen Military Training sa Gaerlan Auditorium, HAFRC, Clark Air Base sa Pampanga.

Photo Credit: munoz_arci/Instagram

Ang naging pagsasanay nga ni Arci ay umabot ng 30-araw, kung saan ay iba’t ibang mga trainings ang kanyang pinagdaanan, tulad ng HADR training, marksmanship training, obstacles course, field training exercise (FTX) at iba pa.

Photo Credit: munoz_arci/Instagram

Nang tuluyan ngang makapagtapos sa lahat ng kanyang mga trainings, ay talaga namang labis ang kalagayan ni Arci, dahil sa nakamit na niya ang isa sa kanyang mga pangarap. Nagpasalamat din ang aktres sa mga nagsasanay sa kanya sa 1st Air Reserve Center.

Photo Credit: munoz_arci/Instagram

Narito nga ang naging pagbabahagi ng aktres sa kanyang social media account, kung saan talagang madarama ang kanyang kasiyahan, dahil ngayon ay isa na siya sa mga naglilingkod at nagbibigay serbisyo sa ating bansa.

Photo Credit: munoz_arci/Instagram

Maligayang Araw ng Kasarinlan, mahal kong Pilipinas! Ngayong araw din ang aking unang pisikal na pagsasanay bilang kauna-unahang babae sa aking henerasyon at propesyon na sumasailalim sa [Philippine Air force] reservist BCMT – Basic Citizen Military Training.

Hinihikayat kop o ang aking mga kapwa kababaihan na mag-enlist. Marami pong salamat sa aking Philippine Air Force family. Asahan niyo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo.




Kalakip nga ng caption na ito ng aktres ay ang kanyang larawan, kung saan ay makikita na siya’y nakasuot ng fatigue na uniporme at proud na proud na hawak ang kanyang completion certificate.Ang bagong “career” ngang ito ng aktres sa kanyang buhay, ay labis ding ikinasaya ng kanyang mga tagahanga at taga suporta para sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *