Magarbong Bahay Na Nagkakahalaga Ng 38M Binebenta Na May Kasamang Kotse

Napakahirap kumuha ng bahay ngayon sa Pilipinas lalo na kung ikaw ay isang ordinaryong tao lamang. Marami kang pinagdaanang proseso, mga papeles at syempre ang napakalaking gastusin ng kailangan mong pag-ipunan para lamang makapag patayo ka ng iyong bahay. Hindi rin mawawala ang mga taong aburido sa buhay lalo na ang mga taong may kakayahang bumili ng mga bahay. Ang karaniwang gusto nila ay iyong mga mabibilis ang proseso ngunit maganda ang resulta.


Image courtesy from Facebook page of The Staycationist

Kung isa ka sa mga ganoong klase ng tao, maaaring ito na ang bahay na para sa iyo. Trending ngayon sa social media ang post ng The Staycationers, isang Facebook page, tungkol sa isang bahay na binebenta na matatagpuan sa Splendido Subdivision sa Tagaytay.




Minamadali Ang binebenta ng may-ari ang nasabing bahay na mayroong tatlong palapag. Mayroong itong floor area na 297 square meters at lot area naman na 485 square meters. Matatagpuan sa pinakaibabang bahagi ng bahay ang guest room, entertainment room, veranda, maid’s room, driver’s room, at and garage. Dito rin matatagpuan ang hardin.


Image courtesy from Facebook page of The Staycationist


Image courtesy from Facebook page of The Staycationist

Matatagpuan naman sa ground level ng bahay ang master’s bedroom kung saan may sarili itong banyo at balcony. Binubuo ng apat kwarto kwarto ang ground level area kung saan ang isang kwarto ay parehas ng master’s bedroom habang ang isa nama’y kakaiba dahil imbis na may balcony ito, napapalibutan ito ng salamin. Ang isang kwarto naman ay semi-furnished.


Image courtesy from Facebook page of The Staycationist

Sa pinakamataas na bahagi ng bahay o ang upper ground floor nakalagay ang sala kung saan makikita may sarili itong balcony, powder room ,hardin, foyer at garage. Nandito rin ang kusina. Dito mo matatagpuan ang modernong disenyo ng kusina kung saan kumpleto ang mga gamit katulad ng microwave na built-in, isang stove and countertop, refrigerator, counter, at ang hapag-kainan.


Image courtesy from Facebook page of The Staycationist

Ngunit maliban sa magarbong bahay na ito, kasama sa iyong binayaran ay ang regalo ng may-ari: ang Mustang Gt na isang limited edition. Dalawa lamang ang mayroon nito sa Asya at kung mayaman ka, iyong-iyo na ito kasama ng napakagandang bahay.
Kaya mo?


Image courtesy from Facebook page of The Staycationist




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *